Jump to content

ant.tan888

[03] MEMBER
  • Posts

    5
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by ant.tan888

  1. Realizing na wala talagang pake sakin yung magulang ko.

     

    Kagagaling ko lang sa school today and since nag aapply ako for FREE TUITION FEE, ni require nila na isama ko ang mama or papa ko kasi may mga question for them para makakuha ako ng voucher.

     

    Si mama yung sinama ko, pagsakay palang ng side car was issue na sa kanya. Bawal kasi yung dalawa ang passenger so tag isa kami. 15each, ako ang nagbayad.

     

    "Pag sa ganto nakakagastos ka pero sa bahay ayaw mo magbigay!!!"

     

    di ko pinansin kasi ayoko ma badtrip dahil punong puno ako ng pag asa today na someday matatapos ko yung pag aaral ko.

     

    Hanggang nakarating na kami sa school, may kausap pa yung incharge doon so hintay muna kami. After 5mins,

     

    "Ang tagal tagal naman nyan ano ba yan blah blah"

     

    So sinabihan ko nalang si mama na umuwi nalang kung labag sa loob niyang suportahan ako. at dali dali naman siyang umalis. Kahit alam niya namang kailangan siya doon.

     

    Ako nalang yung nakipag usap, and ayun there's no other option na makuha ko yung FREE TUITION VOUCHER kundi ang makausap yung parents ko para kumuha ng mga requirements na sila lang ang pwede makapag provide such as certificate of unemployment for my father, and yung BIR ni mama.

     

    I'm a bit dissapointed, tapos pag uwi ko pa nagagalit si mama.

     

    Makapal daw ang mukha ko dahil gusto ko pa daw mag private school, not to mention na hindi naman ako sa kanila humihingi ng pera. Saka FREE TUITION naman yon kung tinutulungan lang nila ako.

     

    Imbes na gagastos daw ako ng kung ano ano for online class, sa pag aaral na yan and etc e bat di nalang daw ibigay sa kanila ang pera ng makatulong naman daw ako. :'(

     

    I sacrificed myself to them for years, masama bang gustuhin ko na makapag aral naman ako? ilang taon akong nasa spa, nagpapaka slut kung kani kanino para may maitulong at maibigay sa kanila tapos wala lang pala yon. haha. May times na nandidiri na ako sa sarili ko, na someday wala ng magmamahal sakin dahil ganto ako pero una palang tinanggap ko na yon kasi all I want is maibigay yung needs and wants nila.

     

    Masama ba na this time isipin ko naman sarili ko? para sa kanila din naman to. :'( Saka magbibigay pa din naman ako, mahahati nga lang kasi nga mag aaral ako.

     

    Bakit they always want me to feel bad about doing things na alam kong makakabuti sakin in the future? di ba nila ko mahal?

     

    Nakakalungkot.

    This made me sad also...

     

    Let me know if I can help.

×
×
  • Create New...