Jump to content

kenazansuz

[02] QUARANTINED
  • Posts

    15
  • Joined

Posts posted by kenazansuz

  1. kung gusto mo nang lumipat sa ibang company, at may nakita ka nang ibang malilipatan, pwede kang mag-apply at pumasok sa bagong company.

     

    kaya lang, KUNG regular employee ka at matagal na ang years of service mo sa current company mo, lalabas na nag-resign ka. pag nag-resign ka, wala kang separation pay. unlike, yung more than 6 mos. na floating, constructive dismissal yun, entitled ka sa 1 month salary for every year of service as separation pay kung magfile ka ng complaint at ayaw mo na bumalik sa kanila (again, this is assuming that the agent position offered to you would result in less compensation/benefits than your current position).

     

    Hintayin mo na muna reply ng HR, baka naman kasi mabigyan ka na ng trabaho

     

    by the way, nagpadala na ko ng demand letter last friday evening sa HR regarding my status of employment. pero hanggang ngayon wala pa din silang binibigay na response whatsoever.

     

    as an employee, i believe i have the right to earn and look for ways to earn for a living. however, under the current circumstances, i am no longer earning and while still being employed to the company. I guess this would be my final question regarding the situation: is it plausible to submit a resignation letter stating the situation to pursue employment with another company and yet still push through in filing a constructive dismissal case to the NLRC for the current one?

     

     

    many thanks again

    • Downvote 1
  2. what happened to their offer of an "agent" position? If you are a regular employee and your position is higher that of an "agent" position, if their offer of an "agent" position will give you lesser compensation and monetary benefits, that is contrary to labor laws, and you have right to refuse this offer. however, even if an "agent" position is lower in rank, if your compensation and benefits will remain the same, mgt has a right to do so, and you may not refuse this offer.

     

    now, if the "agent" position will result in lesser compensation and monetary benefits, you have a right to refuse the same; and your being on "floating status" (I am assuming that you are not receiving compensation and benefits during this "floating" period) for MORE than 6 months is now considered as constructive dismissal. you can now file a complaint with the NLRC on this.

     

    Rocco69,

     

    tama, hindi nga ako nakakakuha ng kahit anong compensation for the past 6 months na naka floating status ako. kaka send ko lang ng email sa hr namin kaninang umaga. hintayin ko ba muna mag reply yung HR o didirecho na ba ako ng NLRC para mag file ng complaint?

     

     

     

     

    gusto ko na din mag trabaho and meron na akong nakitang employer na malilipatan. pwede na ba ako mag apply at pumasok ng trabaho sa bagong company? hindi kaya maging kumplikasyon eto sa old company ko habang hindi pa naisasaayos ang lahat?

     

    maraming salamat po sa pag reply.

  3. kaka 6 months ko lang po nitong september 28 na naka floating status. last communication ng HR sa was september 10 para mang alok ng agent position. since then wala pa akong nakuhang communication sa kanila. hingi lang po ako ng payo kung ano po ba ang mabuting gawin from this point? kating kati na po ako mag work ulit pero ayoko naman gumawa ng hakbang na magpapa complicate sa sitwasyon ko.

     

    maraming salamat po sa makakatulong.

  4. simulan mo nang maghanap ng bagong trabaho. it is the practical thing to do.

     

     

    Ganun na nga talaga. Pero sinisuguro ko din na habang technically employed pa ako sa kanila, ayoko makahanap sila ng butas para ma terminate nila ako at mapurnada pa mga benefits na makukuha ko sa kanila.

     

    Anyway, siguro madami lang din akong iniisip kaya ko naitanong yung sa itaas. Hopefully maayos na to sa katapusan ng Semptember at nakakapagod din yung naka PMA mode ng ganito katagal. hehe

  5. mga bossing, ikonsulta ko lang yung issue ko, which is a followup nung huli kong post.

     

    naka unpaid floating status na ko for 3 months as of this writing. meron na po akong pinirmahang document galing HR namin regarding sa paglagay nila sa akin ng floating status at naipadala na din nila ng kopya ang department of labor. so malinaw na malinaw na naka floating status talaga ako.

     

    two weeks after nalagay ako ng unpaid floating status, tumawag yung recruitement department ng opisina at ino offer nila sa akin maging agent ulit. natural lang po na inayawan ko. ngayon po naman nakakuha ako ng letter mula sa HR namin na sinasabi na "I believe this is the perfect opportunity for you to re-start exploring your options by checking on our internal job postings." Lagi ko naman tinitingnan yung mga available positions na naka broadcast sa email ko. Pero wala na talaga akong makitang position para sa akin dahil wala nang product line na nagfi fit sa job skills ko bilang subject matter expert.

    nag try po ako mag apply ng mas mataas na position bilang team leader, ngunit bigo. ang wait time para mag reapply ulit is 6 months, which is the same time na 6 months na din ako sa pagiging unpaid floating status ko. so in short malabong malabo na talaga ako maging TL.

    puno't dulo, kahit saan anggulo tingnan ay agent ang bagsak ko. kahit alam kong walang ikinababa ng sweldo sa akin, demotion pa din po yung kalalagyan ko nito. isa sa mga rason kung bakit inayawan ko kaya naman nilagay nila ako ng floating status.

    ang tanong ko lang po ngayon ay:

    pwede pa din ba nila ako pilitin mag apply bilang agent level kahit sa kalagitnaan ng pagiging floating status ko?

    magiging problema po ba sa akin ang pag ayaw ko ng mga ino offer nilang agent position?

    naghihihintay na lang po ako ma redundancy at ano na lang po ba ang 3 months na pag aantay. pero gusto ko lang po na makasiguro na hindi ako gagawa ng kilos na ipapahamak ko sarili ko para hindi nila ibigay sa akin yung mga benefits na kasama sa redundancy.

    Antayin ko po reply niyo. Maraming salamat po muli!

  6. pag dating sa pagbili ng PC parts locally, walang mas mumura pa kesa sa gilmore corner aurora avenue.

     

    mas mura pa rin siyempre kung bibilhin mo sa ibang bansa, tulad sa US pero ang downside niyan eh paano mo hahabuling yung warranty if worst cases nagka problema yung unit.

     

    pwede ka din tumingin sa mga nagbebenta sa sulit.com or kaya sa tipidpc.com. siguraduhin mo lang na may warranty coverage yung binebenta nilang unit at mataas yung positive feedback rating nung seller para iwas sakit ng ulo.

     

    Sir, saan ba mag mura bumili ng MY Book 3TB usb 3.0? may nakita ako tig 9k++ pa.

  7. ang pwedeng gawin sa mga ganitong issue ay ilipat mo yung hard drive sa ibang computer at icheck mo kung kaya pang basahin yung files mo from there.

     

    ubuntu is a good OS to view and retrieve files. kaya lang kailangan naka install yung OS sa ibang HDD para siguradong walang magagalaw sa problematic mong hard disc.

     

    kung physical issue na yung HDD mo, as in hindi na madetect ng BIOS or hindi na nagpa power yung HDD, malabo na makuha files mo diyan. meron services na nagre-retrieve mo ng files para sa tulad ng binanggit ko pero lagpas triple ang singil nila kumpara bumili ka ng bagong hard drive. hindi ko din sure kung merong gumagawa niyan dito sa pilipinas dahil yung services na alam ko in terms of data retrieval ay nasa ibang bansa pa.

     

    Hi guys!Does anyone here know if I can still retrieve my files from my dead harddisc?

  8. Globe tattoo user po ako since 2010 and so far wala naman akong problema sa service... except kung wala talagang signal sa location kung saan ko kailangan yung connection. although kinailangan kong iupgrade yung modem ko from the USB plug-it to a more heavy duty version (huawei b200w.) so far maganda kuha ng signal nung modem ko kaya very consistent yung service.

     

     

     

     

     

    already tried using it on different locations and so far solid at mabilis yung connection. here are the tested locations:

    1. Del Monte Ave Frisco
    2. Project 6 & 8 Tandang Sora
    3. Eastwood Libis
    4. Alabang Zapote Rd Las Piñas
    5. San Francisco St., Mandaluyong

    out of experience lang, mas maganda talaga DSL dahil dedicated yung line at mas stable ang connection. pero it still all boils down kung ano yung service provider na available at best sa location current niyo.

     

  9. try mo muna mag F8 during bootup process para makapunta ka sa windows advanced boot options. tapos niyan, try the following:

    1. boot to last known good configuration

    2. boot to safe mode

     

    try mo na din mag initiate ng system restore kung makapasok ka ng safe mode.

     

    if all else fails, download ka muna ng diagnostic software na bootable sa disc, tulad ng PC doctor. wala kasing point mag reinstall ng OS kung may problema na sa hardware.

     

    pag pumasa sa hardware diagnostic tests, saka ka na mag reinstall ng OS and hope for the best.

    Mag Sir,

     

    Pa help po sa na Computer problem ko.

     

    My PC always hangs up and a BSOD appears with message KERNEL INPAGE DATA ERROR.angry.gif

     

    Any Solution for this recurring problem..

     

    TIA

  10. kaya ko po din naitanong etong situation ko kasi nangyari na din eto sa mga kasamahan kong naiwan nung nalipat ako sa desktop support. nailipat na din sila ng account na may kasamang pangako na ipapa promote din sila sa level 2 makapag experience ng calls. lumagpas na sila ng isang taon bilang agent level bago sila na promote ng level 2, kaya ako nawawalang bahala na mangyari din sa akin yung nangyari sa kanila.

     

    anyway, maraming salamat po sa mga kasagutan at mabuhay po kayo!biggrin.gif

    1. pwede po ba nila ako ibalik sa agent level kahit na napromote na ako bilang SME na may kasulatan?

     

    as a general rule, a demotion in rank is equivalent to constructive dismissal, at maaari mong ireklamo ito.

    ang kaso lang, sa kumpanya mo, wala silang mapaglagyan sa iyo na katabla ng SME position, tapos hindi rin naman bababaan ang sweldo mo. baka ito ay i-consider na hindi constructive dismissal at mukhang in good faith naman ang kumpanya (remember "BAKA". hindi natin masabi, depende sa Arbiter na hahawak kung ito ay kanyang ico-consider na constructive dismissal, lalo na at pareho pa rin ang sweldo mo).

     

    in other words, hindi nila pwedeng ibaba ang ranggo mo to agent level at yun ay demotion in rank, which would be constructive dismissal. pero, if they only assign agent duties to you, on a TEMPORARY basis, and they still pay you your SME salary, I would say that this allowed (again, this has to be temporary only, habang walang mapaglagyan sa yo. A period of six months doing this would be reasonable, pag lumampas ng 6 months at agent pa rin ang trabaho mo, mukhang permanent na yan, at maaari na nating masabi na constructive dismissal yan).

     

     

    2. may karapatan po ba ang kumpanya na ihain na lang nila ako sa ibang technical account kahit hindi ako sumasang-ayon?

     

    Yes, so long as it is in good faith and required by the circumstances. Ito ang tinatawag na "management prerogative." nasa management ang desisyon kung paano pinakamagandang patakbuhin ang kanilang negosyo, at kasama rito ang desisyon kung saan iaassign ang empleyado. Hindi matibay na dahilan na malayo ang tirahan ng empleyado sa opisina para tanggihan ito, at hindi rin masasabi na bad faith ang kumpanya. Ibang usapan kung inililipat ka dahil pinepersonal ka ng kumpanya o di-kaya para mapilitan kang magresign, bad faith sila nun. Hindi naman ganun ang sitwasyon mo.

     

     

    3. kung sakaling ilagay nila ako sa floating status, legal po ba na papirmahin nila ako ng dokumento na wala muna akong sweldo habang hinahanapan nila ako ng account na paglilipatan?

     

    Ayon sa Art. 286 ng Labor Code:

     

    Art. 286. When employment not deemed terminated. — The bona fide suspension of the operation of a business or undertaking for a period not exceeding six (6) months, or the fulfillment by the employee of a military or civic duty shall not terminate employment. In all such cases, the employer shall reinstate the employee to his former position without loss of seniority rights if he indicates his desire to resume his work not later than one (1) month from the resumption of operations of his employer or from his relief from the military or civic duty.

     

    Lumalabas na kung (KUNG!) mayrung "bona fide suspension of the operation of a business or undertaking for a period not exceeding six (6) months" maari ka nilang i-floating (at siyempre, NO WORK, NO PAY. Kung sa panahong ito ay wala kang trabaho, wala ring sweldo). Kung wala ngang mapaglagyan sa iyo, pwede kang i-floating, pero ito ay hindi dapat lumampas ng 6 months. Sa kaso mo, pwede ka munang ilagay sa temporary agent duty kaya di ka dapat i-floating.

     

    In ending, pwede kang papirmahin ng dokumento na wala kang sweldo habang floating ka kung TALAGANG WALANG MAPAGLAGYAN SA IYO, pero ito ay good for 6 months lang. Pag lumampas ng 6 months at wala pa ring pwesto para sa iyo, dapat tanggalin ka na (pero babayaran ka ng 1-month salary for every year of service mo).

     

     

    4. base po sa situwasyon ko at bilang isang regular na empleyado, pwede po ba ako humiling sa kumpanya na magpa end-of-contract or magpa redundate na lang?

     

    wag kang magpa-end of contract at baka lumabas pa na contractual ka lang, at tapos na kontrata mo at wala silang babayaran sa iyo na separation pay.

    mas maganda na gawin kang redundant at meron kang separation pay na 1-month salary for every year of service. Pwede mong hingin to pero di mo sila mapwepwersa hangga't hindi nakakalipas ang 6 na buwan na hindi ka mailagay sa kapareho ng dati mong pwesto.

     

     

     

  11. mga bossing, meron po sana akong ikokonsulta. bigyan ko po muna kayo ng background para mas madaling intindihin po yung issue ko.

     

    nagtratrabaho po ako sa isang kilalang call center sa may commonwealth ave. pangatlong call center company ko na po eto at nagsimula po ang employment ko nung november ng 2005. naging isa po akong technical support agent sa isa sa mga malalaking internet service provider (ihambing natin sa PLDT). nung december ng 2007 nag apply po ako bilang escalations agent or tinatawag nilang "tier 2" para sa same account at pumasa naman po ako at meron din ako. may pinirmahang po akong kontrata nung na confirm ako nung january ng 2008 at dun po nakasaad yung duties and responsibilities ko kasama na din yung increase sa aking basic pay. bilang isang tier 2, ang trabaho ko po ay kumuha ng mga escalated calls, mag train ng mga baguhang agents at mag uptrain ng mga beteranong ahente. in short, hindi na po ako sumasagot ng tier 1 calls, pwera na lang kung voluntary dahil sobrang tagal na nagaantay yung customer sa linya.

     

    nung may of 2011 nagkaron ng opening ng para sa isang malaking computer account (ihambing natin sa IBM) na nangangailangan agent support role para sa desktop at printers sa eastwood libis. nag apply naman po ako at salamat sa Diyos ay nakapasa naman at nagsimula ang training nung unang araw ng agosto. ang trabaho ko po ay yung tinatawag na subject matter expert (SME) o yung tumutulong sa mga tanong technical na related sa mga computers. kasama sa trabaho ko ay yung tumanggap ng escalation calls pati na din ang pag train ng mga ahente mapa baguhan o beterano. paalala lang po na sa trabaho ko pong eto ay hindi kasama ang pagsagot ng tier 1 calls tulad nung nakaraan kong position.

     

    nitong november, sa hindi namin inaasahan pangyayari, ipinatawag kami ng upper management at sinabihang nagpull out yung account dahil daw hindi na nila kayang bayaran yung hinihinging singil ng call center namin at binigyan kami ng deadline na january 5. sa ngayon ay sarado na po yung desktop support at pansamantalang inilipat ako, at mga kasama kong ka ranggo, sa printer support para umalalay. pero saglit na lang din po ang oras at sa february 8 ay magsasara na din po sila.

     

    hinanapan naman po kami ng options para lumipat ng ibang technical account na hawak ng kumpanya. inamin din po nila na yung position namin bilang SME ay wala sa ibang account at nahihirapan daw sila na basta ilipat kami. at dahil sa tagal kong 7 years sa kumpanya at sa itinaas na ng sweldo ko simula ako'y nagumpisa, iisang account na lang po ang nakita nilang pwedeng tumanggap sa akin. ngunit yung account na iyon ay nasa tier 1 or agent level lamang. inilinaw naman po nila na walang ibababa ang aming mga sweldo pero inayawan ko pa din po yung offer dahil una't una hindi naman siya kapareha ng position ko ngayon. pangalawa yung opisina pinagbabahayan nung account na inaalok nila ay nasa makati at pangatlo ang oras ng pag pasok ay 8am to 5pm mondays to fridays. dagdag kaalaman lang po, ako po ay nakatira sa may north QC. hindi po biro makipag sabayan sa pagpasok at paguwi mula QC pa makati at pabalik lalu na kung rush hours.

     

    nakipag tanung na din po ako sa mga kasama ko sa kumpanya at iba iba ang nakuha kong impormasyon. naririnig ko po na ang binibigyan lang po nila ng redundancy ay yung mga positiong manager at pataas. may narinig din po ako na may hangganan daw ang aming floating status. narinig ko din po na pag naubos na yung palugit nila sa floating status ay papapirmahin kami ng isang form kung saan ilalagay kami sa floating status without pay until further notice. alam ko po speculation pa lang po eto dahil wala naman po akong proof kung ano talaga mangyayare at wala naman pong kasulatan kung ano binabalak nila sa amin. pero hindi na po ako mapalagay sa sitwasyon ko dahil alam naman po natin kaya po tayo nagtratrabaho ay para kumita. paano na ako kikita kung wala na akong pinagtratrabahuan kahit na employed pa din ang status ko sa kumpanya.

     

    tinanong ko po ang mga manager namin kung may option ng redundancy. ang sabi po naman nila ay wala po. at kung meron man ay wala daw redundancy package na ibibigay. isa pa po sa nakukuha kong impormasyon mula sa managers namin na, yung position po namin ay agent level po lamang. kaya daw dapat huwag daw kami mamili ng account na paglilipatan. wala daw ikinaiba position namin ngayon sa mga level 1 agent dahil agent level pa rin daw kami.

     

    ang tanong ko po ngayon ay:

    1. pwede po ba nila ako ibalik sa agent level kahit na napromote na ako bilang SME na may kasulatan?

    2. may karapatan po ba ang kumpanya na ihain na lang nila ako sa ibang technical account kahit hindi ako sumasang-ayon?

    3. kung sakaling ilagay nila ako sa floating status, legal po ba na papirmahin nila ako ng dokumento na wala muna akong sweldo habang hinahanapan nila ako ng account na paglilipatan?

    4. base po sa situwasyon ko at bilang isang regular na empleyado, pwede po ba ako humiling sa kumpanya na magpa end-of-contract or magpa redundate na lang?

     

    pasensya na po kung medyo mahaba. maraming-maraming salamat po sa makakasagot ng mga tanong ko.

×
×
  • Create New...