Jump to content

hiruma13

[03] MEMBER
  • Posts

    10
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by hiruma13

  1. makikishare lang po sa topic...

     

    I dunno if naniniwala kayo sa mga unexplainable or sabi nga nila D'anothers... paranormal ika nga ng iba, tapos lahi lahi yung pamilya merong nakakapagmana nung ability...

     

    bata palang ako matatakutin na ako, di ko kasi maexplain yung mga nakikita ko... akala ko nung una imagination ko lang til nakakakita na nga pala talaga ako.. Kinder 1 palang ako nung unang encounter ko na hindi ko makakalimutan, sa c.r yun ng school namin pagkatapos ko jumingle may nakita akong kakaiba, babae nakalutang yung paa sa sahig.. (white lady sabi nung iba) takbo ako papalabas ng c.r simula nun hindi na ako pumasok dun ng magisa...

     

    Grade 6 na ako nung bumalik ako sa pinagaaralan kong school nung kinder, extension yun ng current school ko.. may clean up drive, usong uso yan dati.. habang naglilinis yung mga classmates ko, tumambay ako sa duyan sa isang part ng school ( typical may duyan, slide, see-saw) then may babaeng tumabi sa akin sa duyan ang sabi nya lang.. ang laki mo na ah... di ko inintindi yung babae at pumunta na ako sa mga classmate ko, pero alam nyo yung feeling na nakita nyo na pero di nyo tanda?? ganun yung nafeel ko hanggang sa naisip ko yung nakita ko nung kinder pa ako..

     

     

    High school naman dahil sa public school ako nagaral, sanay kami sa kwentong ganyan.. pero ang di ko makakalimutan nun is yung white lady na naglalakad lakad sa hallway ng school.. kung may 3rd eye ka kita mo sila.. sabi nga nung guard sa akin minsan binantayan sya nung white lady sa gate.. ayun tumambay sya sa labas ng school... sa malabon ang school na yan and nabalita din yan dahil sa mga sapi sapi...

     

     

    college naman sa isang unibersidad sa caloocan ako nagaral, isang gabi sa parking lot inaantay ko yung gf ko matapos yung class nya.. narinig ko yung mga ugong na di ko maexplain, nakahiga ako that time nung pag angat ko ng upuan ko nakita ko nakapila sila mga multo paikot mula sa puno ng balete papasok sa chapel nung school.. maririnig mo sila na umuuungong...

     

     

    sa mga kwentong ganyan marami akong experience lalo na sa hospital... hehe its up to you kung maniniwala po kayo.. pero its paranoral not abnormal :)

×
×
  • Create New...