Jump to content

ianlone81

[03] MEMBER
  • Posts

    71
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by ianlone81

  1. umm.. i know this is a dumb question and i havent back read, but... bakit walang tax refund pag naka 1 year ka na sa isang kumpanya? ang laki laki ng kinakaltas nila sa sahod ko and i was kinda expecting something pero wala man lang dumating ngayong december.

    Depende yan. usually ang kaltas ng withholding tax ng company is based sa info mo whether your single, married or with dependent, ngaun naman lets say married ka then declared yung mga dependent mo, yung tax na kakaltasin sayo is based na dun. Pagdating ng year-end mag cocompute sila kung magkano tlga ang tax na babayaran mo, and compare sa kinaltas sayo, if sakto lang ang kaltas at hulog then no tax refund, if halimbawa naman nagdeclare ka ng additional dependent before ang remittance at naiadjust, most probably liliit ang withholding mo and ibabalik sayo ang sobra sa kinaltas and that will be your tax refund.

  2. Namiss ko stargazing..sa province kasi namin mula nung bata pa ko walang kuryente, tatambay kami sa tabing dagat nakahiga sa buhangin and you can see the stars end to end dahil nga madilim, but mas magnda tingnan kung nasa laot habang nakahiga sa bangka..lots of shooting stars,bright stars...parang connect the dots para makabuo ng figures, constellations.

  3. not yet complete. episode 4 pa lang ang lumalabas this November.

     

    Ganun ba, kaya pala hanap ako ng hanap ng dvd nito wla at di nila alam. lols

  4. Baguhin ang Batas na pabor sa mga nagkasala at mandarambong, parang pinoprotektahan pa kasi sila ng batas natin, Human Right? how about the right of the victim's?then yung batas na nagpoprotekta sa mga menor de edad..kumusta naman ang mga menor de edad na maaga pa kung ano anong krimen na ginagawa dahil ika nga nila di naman sila basta mapaparusahan. Kamay na bakal dapat.

  5. I agree with zenislev...they all have their own fundings but kept on complaining specially those "party-list congressmen/women's". Its just a matter of good conscience to spend the budget. As for me i favor a high budget on AFP to shoot up its modernization program...as i've observed, countries with modern forces has more investments from outside than countries like us. We are being bullied by neighbors yet all our politicians waste more time and money or should i say pocket more. It's up to us ordinary citizen's to act before it's too late. I dont like This country to be occupied again by invader's.

  6. if i were you i will accept that. you can't do anything bout that anymore instead you must be happy to have him although from other mother, still he's your brother. Yes it hurts but i'm sure He doesn't want to be born from "other" woman but he had no choice? accept and love him as your brother.

  7. well hamunin nya si pacman para naman matauhan siya, sobra na yabang niya. tsk tsk tsk, glory will fade but family will always be a family no matter what. sana lang di sya matulad sa iba na dahil sa kayabangan mas mahirap pa sa daga ngayon ng mawala sa limelight.

  8. i'm also a gundam fanatic, gusto kong mangolekta kaso short lagi sa budget, ang kinokolekta ko na lang mga dvd's nila. fascinating talaga mga gundam movies, hope dumating oras na makapg start ako mag ipon ng mga model's.

  9. Ang ownership ng lote ay matatransfer from owner to heirs by operation of law, meaning after mamatay, malilipat ownership sa heirs. Pero para mapalitan tct nyan para mareflect ang ownership sa lote,kailangan ng Extrajudicial Settlement at kailangan muna bayaran ang estate tax ng namatay. Sa pag file ng estate tax na yan, nakalagay lahat ng ariarian ng namatay, real at personal, pati bank accounts para macompute and estate tax at ang estate tax na binabayaran ay depende sa value na iniwan ng namatay. Pag nabayaran estate tax, iisue ang BIR ng Certificate Authorizing Registration, na requirement sa pagpapalit ng TCT sa pangalan ng heirs. Tapos sa municipyo naman kailangan ng tax clearance sa Real Estate Division, Transfer Tax sa City Treasurer's Office at ng TCT. Mahirap mag extrajudicial settlement pag hinde magagree heirs sa kung ano dapat mapunta sa kanila.

    Yang SPA na inexecute ng lola mo sa kapatid ng nanay mo, effective lang yan sa share ng lola mo sa lote nya. Hinde yan effective as sa ibang mayari na hinde siya ginawang attorney in fact.

    Salamat po uli hope na makatulong ng malaki to sa kanila ng matapos na ang problemang ito.

  10. Nong namatay ba lolo mo may will siya? Kung meron depende sa will ang mana sa lupa na pagaari nya. Kung wala naman, yung lupa na namana nya sa father nya ay exclusive property nya so mapupunta yung property na yon 1/10th share each ang lola mo at mga anak nya. Yung kalahati naman na nabili nong kasal na lolo at lola mo ay presumed conjugal so kalahati non sa lola mo at 1/10th share each na naman ng kalahati ay sa lola mo at sa mga anak. So all in all yung share ng lola mo sa entire property kung talagang half ay namana sa father ng lolo mo at half ay nabili nila ng lola mo ay 13/40 at bawat anak ay 3/40. Ang total na pagmamayari ng mga anak ay 27/40. Papasok ngayon ang provisions on co-ownership kung saan sa Art. 492 nagsasabi, "For the administration and better enjoyment of the thing owned in common, the resolutions of the majority of the co-owners shall be binding. There shall be no majority unless the resolution is approved by the co-owners who represent the controlling interest in the object of the co-ownership." Art. 494 naman:"No co-owner shall be obliged to remain in the co-ownership. Each co-owner may demand at any time the partition of the thing owned in common, insofar as his share is concerned." Sana lang malakilaki ang lupa para substantial ang share ng bawat isa.

     

    Salamat po ng marami. By the way how about po yung tungkol sa SPA ng ate nila? Lola ko lang may pirma at yung mga witness niya is mga office mates/friends nya since patago ng pinagawa nya yun. pano po ba aalisin yun. At ano po mga legal steps para makuha na nila mga shares nila?

  11. Importante dito ang determination ng ownership ng lupa. Ang pagkaintindi ko sinasabi mo sa lola mo ang lupa. Pano naging sa kanya ang lupa? Dahil grandparents mo na may ari, palagay natin na nakasal sila before effectivity ng Family Code noong 1988, so kung wala sila ante-nuptial agreement, conjugal partnership of gains ang masusunod na property relations nila. Kailangan malaman kung yan lupa ay conjugal o exclusive property ng spouses, dahil kung baka exclusive property yan ng lolo mo iba ang mayari na nyan pag namatay sya, o kung conjugal property yan, iba rin ang hatian pagkapatay nya. Pag sa lola mo naman exclusive ang ownership nyan, siya ang masusunod kung ano gusto nya gawin sa lupa at walang magawa ang mga anak. Pagkapatay ng lola na ang kwentahan kung tama ang pinuntahan ng mga ariarian nya dahil kailangan ang pagbibigay at inheritance ng ariarian ng Filipino citizens ay sumunod sa batas.

     

    Pasensya po, half is mana ng lolo ko sa father nya then yung half is nung mag asawa na sila nabili nila.

  12. Good day mga sir, ask ko lang po, sa ngayon kasi me problema pamilya ng nanay ko sa lupa nila. Ang panganay na babae po ang me hawak ng mga documents, ang problem po is di alam ng nanay ko at ibang mga kapatid (9 sila lahat) nagpapirma pala ng SPA sa mother nila bilang administrator ng mga lupa nila.Ang worry po namin kasi baka isanla niya or ibenta or ilipat sa pangalan niya yung mga lupa. Tapos ang gusto ngayon nila mama at ibang kapatid hatiin na yung lupa, ayaw ngayon ng ate nila na ipahati kasi ibebenta lang naman daw nila yung parte nila. kami po ay pursigido na kunin na yung share ni mama at ng 3 pa niyang kapatid na lalaki. Sa ngayon kinuha nila lahat ng sukat ng lupa ng father nila at doon sana kami magbabased kung ilan ang sukat ng para sa parte ni mama at ng 3 pang kapatid at saka na lang ipasukat actual yung parte nila. Yung ibang lupa nakasanla po yun dahil sinanla ng ibang kapatid with consent sa lola ko kasi kahati din sya.

    Tanong ko po

    1. legal ba yung SPA na yun ng panganay nila na wala naman silang consent.

    2. Pwede ba na kahit man lang sa papel mahati na yung mga lupa at makuha na namin ang para sa mama namin? at sino pipirma doon para makuha yun.

    3. Kahit po ba nakasanla yung lupa, pwede na namin kunin yung parte namin kasi di naman kami kasali sa sangla na yun, sila lang naman ang kumuha ng pera.

     

    Ang problema din sa ngayon, yung ibang kapatid takot sa ate nila kaya nagdadalawang isip kung i claim na rin nila ang lupa nila dahil yun nga sabi wag daw pipirma kung ano man ang papirmahan sa kanila nila mama.

     

    Pasensya na sa mahaba kong kwento at tanong pero sana'y matulungan niyo kami.

    Maraming salamat po.

×
×
  • Create New...