Jump to content

foxydeviouschick

[02] QUARANTINED
  • Posts

    6
  • Joined

Posts posted by foxydeviouschick

  1.  

    mine is different, he wouldnt ask me out. and if he does he only want to eat dinner or watch movies. he dont show any intention to have sex with me, we never done it outside my work. i'm like an ordinary girlfriend. he visits me at work just to talk and yes sometimes we end up making love, he insists to give me tip but i think i shouldnt take it. im his girlfriend, and a girlfriend doesnt need tip. he paid for the room, and for me it is enough that he wants to spend time with me. though he is not the only guy that gives me that kind of treatment, getting me a room and not doing anything at all but still pays me.

     

    i already introduced him to my friends. and he's a very nice guy.

     

    minsan iniisip ko, kung sadyang malungkot itong tao na ito at nais lang nya na may kasama, manood ng sine o kumain ng hapunan. hindi niya ako pinipilit umalis at makasama palagi, kahit na marami syang oras. hinahayaan lang nya akong magtrabaho dahil alam niyang yun ang gusto ko at yun ang kailangan ko. wala naman sigurong masama kung subukan ko hindi ba? takot lang ako na masaktan, dahil alam na nya ang buong pagkatao ko.

     

    minsan mahirap lumakad ng hubad, minsan nakakatakot dahil baka sa pagtitiwala mauwi lang sa pagluha. dahil naubos na ang kwento, nasabi na ang mga nais. minsan mahirap ibigay ang sarili, dahil baka sa bandang huli, kapag nagsawa na sa kwento at sa mga sinasabi, nanaisin naman na sa iba naman ito manggaling. para ma-iba naman ang mga tauhan. dahil naisip na lang sa bandang huli na hindi pala tama.

     

    kwento ng isang babae na umibig sa lalaki na tinanggap ang buong kwento ng buhay, minahal ang mga pagkukulang at mga pagkakamali. tinanggap na ang buhay ay hindi perpekto, at ang pagmamahal ay nagmumula sa kung saan man parte ng mundo. mayaman man o mahirap. may kapansanan man o wala. tunay nga bang nagmamahal? o humahanga lang sa tapang ng isa't isa? tapang ng isang babae na susugal sa buhay makamit lang ang ninanais sa kabutihan nang iba. tapang ng isang lalake na sinubukan magmahal ng isang babaeng sing-tapang ng baliw na walang pakiaalam sa mundo.

     

    mapaglaro nga siguro ang buhay ng tao. o mapaglaro sa buhay ang tao.

     

     

  2. binata, kaya lahat ng oras ay naibigay naman sa akin. ako lang ang nagkokontrol ng oras ko dahil hati ang pagkatao ko. sabi nya ay tanggap naman nya ang trabaho ko. at hindi nya naman ako pipilitin umalis, nais nyang ako mismo ang magsabi sa sarili ko na tama na at gusto ko nang magpahinga. walang pressure syang ibinibigay sa akin at nagpapasalamat ako para dito. dahil hindi din naman ako handang iwan ang lahat ng nakakapagsuporta sa pangangailangan naming pamilya upang pagtuunan itong nararamdaman namin. dahil maaga pa upang magdesisyon.

     

    sa pagdaan ng panahon na ako'y nagsisilbing isang attendant. naigiba na lahat. hindi ko na rin alam kung paano ba ang maging isang anak, kapatid, kapitbahay dahil ako ay sobrang wala nang oras na ginagalawan. isa pang hindi ko na alam sa tagal nang panahon na ko ay walang nobyo. hindi ko na rin alam kung paano ba ang maging isang girlfriend. ano ano ba ang mga dapat iniisip o ginagawa ng magnobyo lang. kaya hindi ako matahimik. dahil baka mali lahat ng sinasabi o nagagawa ko.

  3. maaaring iwan nga nya ako, pero hindi ko nais bigyan sya ng pagpipilian nya, dahil ako marami na akong sinugal sa buhay ko. ayokong mapasubo sya at mabigla na lamang sa huli. ang pagibig ay hindi binibigyan ng pagsubok, hindi ko nais na itali sya sa akin upang ako at ako na lamang ang mahalin o isipin. mahal ko sya at ayaw kong gumawa sya ng desisyon na baka pagsisihan nya sa bandang huli.

     

    kung ano man ang mangyari, siguro ay dapat tanggapin ko na lang lahat na walang halong mga katanungan. masaya ako sa kanya, at nakikita ko naman na ganoon din sya sa akin. siguro hindi ko dapat madaliin lahat ng bagay at hayaan ko na lamang itong umagos at pagdaanan at dapat madaanan. iipunin ko lahat ng magagandang alaala upang kung ako'y kanyang iwan na, masayang nakaraan lang ang nais kong balik balikan.

     

    alam ko noong una ay nagsasaya lang kami. customer ko sya at attendant nya lang ako. hindi ko sinasadya na may makikita syang pagkatao sa akin. ihiniwalay ko ang personal at trabahong buhay ko. hindi ako mahilig magpakilala sa isang taong halos hindi ko kakilala. ngunit sadyang napaka-mapaglaro nang panahon. hinamon ang kakayahan ko. hindi ko napigilan humanga sa taong humahanga din sa akin. napalukso ang pusong pinatay ko noong nagsimula akong magtrabaho. sinabi sa isip na "hindi, bawal at hwag" pero nadapa, nagkamali sa pagsasalita ng tapos. masaya kami. pero hindi ko lang talaga mawalay sa isip na "hindi ka pa rin dapat ganun umasa, dahil lalaki lang sya, hindi ka dapat maniwala sa pangako ng taong masaya"

     

     

  4. dati inisip ko na hindi tama ang mainvolve sa guest. paraparaan lang nila ito para may kausap or kasex lang sa labas ng bakod ng trabaho. mali dahil pagnanakaw ng guest ito sa kompanya namen.

     

    madaming nakalagay na mga bawal sa listahan ko, pero sinubok ng panahon.

     

    akala ko hindi mangyayari, pero nagkagusto sya sa akin, sabi nya niligawan nya ako. paniwala ko naman ay natutuwa lang ang lalaking ito. pero naging malalim na ang usapan, naging malapit sa puso at isipan. nangulila sa kanya kapag hindi nagpaparamdam.

     

    pinilit iwasan ngunit walang pinatunguhan. naging malinaw lang lahat na ako'y nahulog na pala. mga bawal na listahan isinantabi muna.

     

    isang binata pumukaw sa aking matahimik na mundo. isang lalaki na matipuno sa paningin ko, isang tao na susubok sa pagkatao ko.

     

    inakala noong una na hindi magtatagal ay lilisanin din ako, dahil siguro masaya kapag kasama ako. nagiging totoong tao sya pag ako ang kausap. walang iniisip na trabaho, walang kelangan papel na kailangan ipasa, walang pagtitipon na kailangan puntahan. inisip ko rin na nagpapalipas oras lang ang taong ito.

     

    pero hindi ako tanga at manhid, nakikita ko at ramdam bawal pagaaalala, bawat salitang binibitawan, bawat yakap na ipinararamdam..

     

    ngayon, isang tanong sa isip ko, "hanggang kailan ito?"

     

    hindi naman ako negatibong tao, gusto ko rin syang makasama nang matagalan, mas mabuti kung sya ay hindi na mawawala pa sa akin.

     

    sa lakas ng loob kong magtrabaho sa ganitong linya ng trabaho, sa kanya lang ako nakaramdam ng sobrang takot. na baka mali sya, baka natutuwa lang sya, baka iwan din nya ako bukas..

     

     

×
×
  • Create New...