Jump to content

necromancer007

[03] MEMBER
  • Posts

    9
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by necromancer007

  1. :D Baccaratboy, I respect your opinion pero mukhang imposible ata yang sinasabi mo. Bihira na lang ang noble person dito sa Pinas at siguro nga isa ka na dun. Panay manloloko at corrupt ang pag iisip ng mga tao dito. Basta kumita kahit ano gagawin. At isa pa sa palagay ko ang isa pang major problem natin e overpopulation. Dito palang sa Manila e ang sikip sikip na sobra. Ang taas pa ng birth rate kumpara sa death rate dito sa atin. Hindi ko naman sinabi na talikuran na natin ang pagiging pinoy. Pwede naman natin ito dalhin sa ibang bansa e at least dun naapreciate pa nga ang pagiging pinoy natin dahil kilala tayo sa kasipagan at talento natin. Kung hindi sana overpopulated e minimal pa sana problema natin sa bansa. Wait lang di kaya nasabi mo lamang yan dahil mayaman ka na at di mo na kailangan mag abroad or migrate?
  2. :ninja: To add up to this topic kung bakit gusto kong mag migrate to other country is the peace and order situation. Dito palang sa Manila e panay rally tapos yung mga politicians pa natin mismo ang nagbabangayan. Tapos sa Mindanao naman e kuta ng mga terorista na abu sayaf at panay bombahan. Ang dami pang holdapan at nakawan na nangyayari. Ang solusyon lang ata dito e sana may superhero na may superpowers ang sumagip sa tin na sa palagay ko e imposible talaga mangyari. Sino sa palagay niyo? Si VOLTA....DUH!!!!
  3. :upside: Kahit sabihin natin na nanalo na si GMA kay Poe palagay ko wala pa ring magbabago hanggat puno ng corruption itong bansa natin. Tapos super unfair ang buhay dito. Masama na talaga loob ko dito sa bansa natin kaya naisipan kong pumunta na lang ng ibang bansa at doon na manirahan kahit TNT ako duon at least alam kong uunlad and buhay ko dun kumpara dito sa Pinas. Siguro bibisita na lang ako dito sa Pinas kung legal na imigrant na ako sa ibang bansa. Marami talaga akong hinanakit dito sa atin....

     

    1. Graduate ka nga from a reputable school pero wala ka naman mahanap na trabaho. Kung meron man ang baba naman ng suweldo. E masmalaki pa yung kinikita ng ibang tao na nagtrabaho sa ibang bansa kahit hindi sila nakatapos ng pag-aaral e lalo na sa states. Anung patunay yan? Wala sa pinag-aralan yan nakatapos ka man o hindi. diskarte lang talaga sa buhay. Kung high-school drop out nga e naging presidente dito sa tin e.....

     

    2. Ang mga tao na magsursurvive lang dito ay yung mga mayayaman na may negosyo at yung mga corrupt politicians. Kung ikaw ay may hangad na umasenso ang buhay sa pagsisimula maging empleyado at hoping for promotion at increase salary chances are very slim. Lalo na pag may palakasan o politika sa isang company.

     

    3. Another example na rin sa showbiz, hindi ba nakakainis yung ibang artista na sa palagay niyo hindi naman talaga deserving maging artista and yet ang laki ng binabayad sa kanila. And yayabang pa akala mo kung sino... Hindi naman talaga sila magaling umarte sa show at naging sikat lang kasi anak ni ganito o ni ganyan na super sikat sa showbiz... Unfair!

     

    4. Corrupt politicians...ito sa palagay ko e cancer na sa lipunan. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong sobrang sukab sa pera o yaman. Aanhin naman nila yun imbes na magcirculate ang pera sa society natin e nakatambak lang sa bangko nila...Kaya hindi ko masisisi yung mga babae na napipilitan na magbenta ng laman para lang mabuhay...Habang maraming tao ang nagugutom at walang matirhan eto sila ang lalaki ng bahay, maraming mga babae, masayang nakakain at natutulog sa malambot na higaan....Paano nila nasisikmura to? Anong klaseng tao sila di ba? Sana hindi madamay ang mga anak nila sa karmang babalik sa kanila

     

    5. Kulang sa disiplina ang mga tao dito sa Pinas...Kaya umuunlad tayo ng paatras. Simpleng rules na nga lang sa traffic e hindi pa masundan kaya laging trapik.

     

    Sad to say that I'm better off somewhere else.... Lets just pray that May God save the Philippines! :(

×
×
  • Create New...