Jump to content

subsistence

[03] MEMBER
  • Posts

    83
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by subsistence

  1. sir rocco, good evening. nag back read ako ng inadvise mo sakin 5 years ago. :)

     

    Bukas na kasi magkakaharap harap sa barangay about dun sa tinanong ko sa inyo tungkol sa Right of Way. :)

     

    Binasa ko ulet at nagbasa din ako ng Article 649-651. Maraming salamat po.

     

    Pag hindi po nagkasundo sa Barangay, may posibilidad pa bang umabot sa korte?

     

    Maraming salamat po!!!

     

    Sa iba pong makakatulong sakin bukod kay sir rocco, maraming salamat din po!

     

     

    Eto po ay tungkol sa isang compound, na may tig 106sqm ang dalawang nasa harap at tig 107sqm naman ang dalawang nasa likod.

     

    Meron na po sila noon na 1m width na daanan, at nag reklamo sila na lakihan ito. Pumayag na sila noon na gawing 2m ang width. Pero nung nalaman nila na bawal mag tinda, namerwisyo na lamang at nirequest na gawing 4m and width ng right of way.

     

    Ang request nila na gawing 4m ang width ay naka base sa lumang blueprint ng compound na may nakalagay na 'perpetual right of way'. Nilalaban nila na ibalik sa dati. Ang kaso lamang po dun sa blueprint na may 'perpetual right of way' eh dalawa lamang ang naka pirma sa present na may ari (tagapag mana) Yung isang tiyuhin ko na nasa likod.

     

    Hindi naka pirma ng tatay ko, dahil noong ginawa ang blueprint ay menor de edad pa lang at yung tiyahin ko, na hindi rin naka pirma doon.

  2. right of way is based on need. ano ba ang paggagamitan ng additional 2 meters? if it is not a valid reason, they have no right to get additional width.

     

    Baka para may mapag park-an sila ng sasakyan. Although ang naririnig ko lang naman talagang gustong magpa tapyas ng bahay namin or humingi ng additional na meters for right of way ay yung Asawa ng Tito ko.

     

    May batas po ba tayo dito na pwede naming i bring up? Salamat po ng marami sa libreng consultation :)

     

    Hindi naman po sa gusto kong magyabang, pero kasi, nag re reyna-reynahan sya dito, sya na lang lagi nasusunod. Madaldal kasi yun at bungangera, eh ang erpat ko eh tahimik lang kasi nga sya yung bunso at sa kanya yung bahay kaya tahimik lang sya. Pero ako kasi, hindi ako makapayag ng ginaganito na lang kami at kina kaya kaya.

     

    RANT:

     

    Isa pa palang point po na gusto kong i bring up sir, bago daw mamatay si Inang (Lola ko) tinipon po daw nya lahat ng anak at nagbilin na "Walang gagalaw sa bahay nya, kung ano ang sakop ng matandang bahay, yun ang sakop ng lupa."

     

    Ang problema lang eh hindi na gumawa ng kasulatan ang erpat ko, kasi shempre nakakahiya naman daw kung ipapamukha pa nya sa mga kapatid nya na kelangan pa ng ganun, mutual understanding ba. At yun ang kinakatampo ng Erpat ko sa Tito ko, kasi hindi sya pumapalag sa Asawa nya.

     

    More power!

  3. Sirs, ask lang po may karapatan bang tapyasin ng "Asawa ng Tito" ko yung bahay namin pag ang dahilan nito ay right of way? 4ft ata kasi yung dinadaanan nila at gusto nilang luwagan yung daan.

     

    Bali eto po ang scenario

     

    2 Pamilya sila sa looban, yung isa gustong tapyasin yung gilid matandang bahay (bahay ng lola at lolo ko na tinitirhan na namin ngayon) para lumuwag pa yung dinadaanan nila na more or less 2 meters.

     

    RANT:

    Di ko alam, inggitera kasi yun, porke yung bahay namin ang pinaka malaki (eh ano magagawa namin pinamana ng lolo/lola ko yung bahay na ito sa Erpat ko bunso kasi)

  4. Ah ok. Ingat lang kasi baka ireklamo ng erpat ung business mo sa city hall, sakit lang sa ulo yun!

     

    Sir, ano naman po ang pwedeng gawin ng City Hall? Confiscate mga units ko?

     

    Tapos, hindi ba pwedeng sabihin ko na on process na yung pagkuha ko ng business permit (which is what i'm doing right now)

     

    thanks po ulit, more power!

  5. Mga bossing tanong lang po, dba ang Sari Sari store or maliit na tindahan ay business din? Pati na rin po ang kainan?

     

    Tama po ba? Kasi may maliit akong comp shop, 5 PC's po lahat. Tinatanong po ako kung asan ang permit ko, nasa loob po kasi ito ng bahay at mejo tago din po.

     

    Ano po ang pwede kong isagot para kabahan din po sila sa ginagawa nila, eh sila din po kasi walang business permit.

     

    Thank You po.

     

    If ever, kukuha po ako ng business permit kung talagang kelangan...

×
×
  • Create New...