Jump to content

jaganman

[04] MEMBER II
  • Posts

    101
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by jaganman

  1. you cannot target the belly alone, dapat overall papayat ka, then work from then on to trim (using cardio or abdominal routines). pinaka important ung lifestyle and diet. mahirap syang alisin.

    • Like (+1) 1
  2. as a husband and father, i have to serve my wife and my kids, especially that we dont have a maid. lagi nalang kasi naalis ung yaya or maid, so parang nasanay nako ako nalang nagawa ng chores. laundry (every sat and sunday via washing machine, habang nag aantay ng timer, i do my workout using dumbells and bench), mop and walis ng bahay, clean the dishes, mag paligo ng anak, clean the restroom. but mainly i dont cook, si wifey ang bahala sa pag luluto.

  3. shoulder level black hair, a face that would resemble carla abellana, smooth white skin, petite stature, a body of a fresh kolehiyala, and a smile that would make anyone's day less stressful. ganyan ang ang description ni luningning nung una ko syang masilayan. pawis pawis na pasmado ang kamay ko nung kinamayan ko sya. ang nakaka tawa nun, naramdaman ko na ganon rin ang kamay nya.

     

    "jaganman: tingin ko kailangan natin ng panyo pag nag kakamay tayo, parehas yata tayong pasmado mam, pag nag dikit ung kamay natin parang may gripo ng pawis"

    napa ngiti sya, na parang nahiya, sabay sabi "luningning: sorry ah, pasmado kasi ako".

     

    "ay hindi, ako nga dapat mag sorry kasi ganyan talaga kamay ko, siguro kaka laro ng ps2 at babad sa computer" ang sambit ko. "lika na nagugutom nako, dun nalang kayo mag usap sa wendy's kasi dun ko gusto kumain" banggit ng kaibigan kong babae sabay akay kay luningning.

     

    dumating kami sa wendy's at dun kami ang ka kwentuhan (parang threesome ung date namin kasi sumbit pa ung kaibigan kong babae na classmate ni luningning). buhay buhay, kurso, pamilya etc. ang dami naming napag kwentuhan sa maiksing oras na un. nag paalam kami isa't isa at nag kapalitan ng landline. inalok ko sya na ihatid, ngunit ang sabi ni luningning ay wag na at nakakahiya, besides di ko rin alam raw ang maynila at parteng norte, sa valenzuela kasi sya naka tira at ako'y taga alabang, gagabihin raw ako at may pasok pa bukas.

     

    lumipas ang isang linggo, busy sa eskwela, pag busy sa eskwela umaabsent ako, likas akong tamad eh. huwebes un, absent ako, ayaw pang bumangon sa kama, alas 10 na ng tanghali, kumatok nanay ko sa kwarto. "jaganman, telepono", tumayo ako, sabay abot sakin ng cordless telephone.

     

    "jaganman: hello, sino ito?"

    "luningning: di mo na matandaan boses ko?, bilis mo naman maka limot"

    "jaganman: ay sorry di ko talaga matandaan, pero baka maalala ko pag bibigyan moko ng clue"

    "luningning: hmm, eto clue ko, pasmadong gripo."

     

    parang tumalon puso nung nag process sa utak ko na si luningning ang nasa kabilang linya.

     

    "jaganman: uy hi, sorry kagigising ko lang kasi, di kita nabosesan, sakto pa absent ako ngayon, napatawag ka po? (pinipilit kong itago ang kilig sa boses ko)"

    "luningning: actually nag baka sakali lang ako na nandyan ka, kasi wala akong pasok ngayon, di mo naman binigay kasi cellphone number mo, landline lang, eto walang magawa nag hahanap ng kausap, eh nakita ko number mo sa bag ko, kaya chineck ko kung totoo nga ung number na binigay mo."

    "jaganman: ganon po ba, totoo naman ung bibigay ko sayong number, muka po ba akong sinungaling? hehe"

    "luningning: oo eh, para kasing sanggano porma mo, hehe, joke lang"

     

    dito na nag simula ang aming pag tetelebabad, gabi gabi, either ako tumatawag sa kanya, or sya tatawag sa bahay. usually 9 PM kami nag sisimulang mag telebabaran. mga 1 linggo ang lumipas nung nag paradam ako ng intensyon ko na manligaw at gusto ko sya.

     

    "jaganman: ok lang ba sunduin kita sa school nyo pag uwian nyo na?"

    "luningning: ha? eh ang layo ng bahay mo sa school namin, alabang ka pa, recto ang eskwela namin, tapos di mo pa alam pag punta dito, delikado dito lalo na pag gabi, tsaka ang tanda ko na para sunduin moko, ano ako bata?"

    "jaganman: alam ko naman pumunta, natatandaan ko naman nung una akong pumunta dyan. tanong tanong lang makakarating naman ako."

    "luningning: di mo naman sinagot lahat ng tanong ko, bat moko susunduin?"

    "jaganman: kasi gusto kita kasi makita, tsaka makasama, ewan ko ba, ang weird, parang naadik ako sayo."

     

    natahimik sya, ako na speechless rin, siguro nag pause ang usapan namin sa telepono ng 10 segundo.

     

    "luningning: umm, ok lang naman, basta ok lang rin sayo, di ka ba mapapagod, nakaka hiya naman kasi"

    "jaganman: ok lang, malapit lang naman un, parang 2 sakay lang, lawton, then jeep, un na."

    "luningning: sige ikaw bahala, basta sabihin moko kung kelan ka pupunta baka naman absent ako sayang lang pagod mo"

     

    makalipas ang 3 araw, di nako nag paligoy ligoy pa at nag pasyang sunduin si luningning.

     

    -- END OF PART 2 --

    • Like (+1) 1
  4. Luningning, storya ng nabigong pag-big

     

    kolehiyo, isa sa pinaka masayang panahon sa ating mga buhay, legal age ka na, pwede na maka pasok sa mga r-18 na pelikula, wala nang takot mag pupunta kung saan saan at meron nang sariling decision. 2nd year college ako sa isang kolehiyo sa laguna. hindi ako pinayagan na mag maynila ng aking mga magulang kasi masisira raw buhay ko dahil alam nilang natural na sira-ulo ako. happy go lucky ang buhay ko noon, inom dito tambay dun. kakatambay, nagsabi ang isang tropa namin na nakita nya ang classmate naming babae sa university belt binati nya ito, pero ung napansin nya ang kasama ng kaibigan namin, ang ganda raw kasi.

     

    ako naman nainteresado dun sa kasamang maganda, kinontak ko agad ung tropa naming babae, "oist, sabi ni rad, nakita ka raw nya, sino ung kasama mo?" sagot nya, "ang bilis ng radar nyo ah, wala lang un classmate ko un". kinulit ko ng kinulit ang tropa kong babae gang sa bingay nya ung pangalan ng kasama nya na chick, at humingi pako ng pabor kung pwede pakilala nya ako. binigay ko ang telephone number ko sa tropa kong babae, sabi ko eto number ko, kung ok lang bigay mo sa kanya gusto ko talaga sya maging friend.

     

    obviously di binigay ng kaibigan ko number ko, ang kapal naman raw ng muka ko na mag pabigay ng number sa babae, ano raw ba ako si dingdong dantes? uso kasi nun TGIS eh. ilang linggo lumipas di ako mapakali at nag desisiyon ako pumunta ng university belt para mismo makita at makilala ang dilag na kaibigan ng tropa ko.

     

    galing sa eskwela (laguna) pumunta ako ng university belt. hindi ko alam ang maynila kaya palakasan nalang ng loob maligaw na kung maligaw basta mahabol ko lang oras ng uwian ng tropa ko. umabot naman ako. nag antay ako sa labas ng school nila. nakita ko na palabas na ang aking tropang babae, ngunit ang bumungad sakin ay ang kasamang nya na napakagandang dilag. "sya na kaya un?" ani ko sa aking sarili. parang tumigil ang mundo ko habang papalapit silang 2, pero ang nakikita ko lamang ay ung magandang babae, para bang ung mga nasa pelikula na kahit ang daming tao sya lang ang nakikita mo.

     

    di ko namalayan na katabi ko na pala ang tropa ko, "huy jaganman, kanina ka?" biglang bumalik ako sa realidad. "nga pala, si luningning, classmate ko, luningning si jaganman, jaganman, si luningning" di ko alam gagawin ko kung ngingitian lang sya or kakamayan, speechless at laglag panga ako nung makita ko sya ng malapitan.

     

    nakipagkamay ako, at sabay sambit na nice to meet you.

     

    -- ITUTULOY --

  5. - an ex gave me her grade school i.d. na never nya binigay sa kahit kaninong ex nya. the relationship was short but full of joy and sacrifices. sa sobrang isip bata ko, naloko ko sya. but i end up longing and pursuing her, karma ika nga. 4 years ko syang sinuyo at pinursue kahit alam kong may bf na sya. i even went into stalking her just to get a glimpse of her nung nag ttrabaho na kami sa makati. may mga patagong moments pa na nag dadate kami pag nag away sila ng bf nya. tried to woo her na iwanan na ung bf nya and be with me again, but fail mahal nya raw ang bf nya. they are now married and ako rin kasal at may pamilya na, pero sumasagi sya sa isipan ko consciously and unconsciously (napapanaginipan ko sya). i know masaya na sya ngayon, and masaya narin ako, pero the question still lingers, what might have been?

  6. hi carl and keith, im playing gta v online, jomblogs po psn ko add me up so we can play wala nga lang ako crew hehe. thanks.

  7. may mga kakilala ako na nainlove sa mga ktv girls, may isa pa nga pinakasalan pa nya, nag kaanak at pamilya na sila ngayon. minsan mahirap man tanggapin para satin mga gms na nabubuhay sa karnal na mundo may mga kapwa tayo na naiinlove sa mga psps/gros/mpas. pero di natin sila masisi, kung talagang tinamaan sila at nainlove wala tayo magagawa.

     

    mostly ng kilala ko masaya naman pamilya nila sa mga naging asawa nilang mga gro. hindi narin bumalik ung girl sa trabaho nya sa club at naging house wife nalang.

     

    un lang kawawa ung mga kapwa nating mga gm na nagamit, pinerahan at na huhutan ng mga gro/mpa/psps. siguro imbes na pagtawanan natin sila or kutsain, supportahan nalang natin, afterall they've learned their lessons the hard and painful way, na wag basta basta mag papaloko.

×
×
  • Create New...