Nagpunta ako sa dating eskuwelahan ko kahapon to deliver a document, andami nang nagbago! wala na yung dating tambayan namin pag yosi break, wala na din yung fastfood chain na kinakainan ko pag may budget, nakakatuwa din kahit paano dahil yung ibang informal na tindahan nung nandun ako ay nandoon pa din hanggang ngayon, hindi ko nga naiwasang tikman kung ganun pa dun yung timpla nung sawsawan nung kwek-kwek at hotdog nila, di naman ako nabigo, sinilip ko rin yung mga dating classroom ko, naalala ko pa yung natutulog pa ako sa klase dahil sa puyat (working student kasi ako nun) badtrip nga lang dahil hindi nireceive yung dala kong document, at ang susungit pa nung mga empleyado! hindi pa din nagbabago ang eskuwelahan ko, maaring sa ibang banda nag improve yung mga facilities pero kung iisipin kong mabuti, kahit palitpalitan nila ang kulay o hitsura ng mga building doon, yun pa rin ang eskuwelahan ko sampung taon na ang nakakaraan