Jump to content

Fhunkmeister

[03] MEMBER
  • Posts

    18
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    1

Posts posted by Fhunkmeister

  1. Hindi natin kailangan ng bagong kalsada. Ang kailangan natin ay gawing maayos, ligtas, dependable at mabilis ang public transport natin para yung mga tao ay hindi na magdala ng sariling sasakyan.

     

    Naalala ko yung isang meeting na sinamahan ko dati. May suggestion para maayos ang traffic sa EDSA:

     

    - Alisin lahat ng privately operated buses sa EDSA at palitan ng bagong Point to Point electric buses.

     

    - Magtatayo ng transport hub sa magkabilang dulo ng EDSA at aayusin ang mga designated bus stop in between (isipin mo, may pila, may pulis, may bubong ang mga bus stop). Hindi na problema to kasi mall ang nasa dulo ng EDSA. Siguradong magaagawan yan sa pagdodonate ng lupa para sa kanila itayo ang transport hub.

     

    - Aayusin ang ruta ng buses. Imbes na salasalabat na ruta, gagawin na lang south edsa-north edsa. Kung sa fairview ang punta mo, bababa ka sa North Edsa transport hub at sasakay ng bagong bus papuntang fairview.

     

    - Lahat ng public utility vehicle drivers ay kailangan ng retraining at re-licensing (may kasamang first aid certification, disaster prevention training, etc.).

     

    - Isasara ang isang linya ng EDSA at gagawing exclusive sa bus lang (yellow lane). Imbis na sa kanan, ilalagay ito sa kaliwa para walang palusot ang private vehicles pag pumasok sila sa bus lane (sir, kakanan na ko dyan sa kanto kaya ako nasa bus lane).

     

    Kapag nakita ng mga tao na ang bilis ng biyahe ng bus, tapos silang may private car eh nakatigil sa traffic, mapapaisip yan na mag bus na lang next time.

     

    Sa kasamaang palad, ang sagot ng gubyerno ay: "Naku hindi puwede yan. Magagalit ang mga bus company". Putaena ang sarap batukan at tanungin na sino ba sineserbisyuhan nyo, bus company o taong bayan?

  2. I'm currently subscribed to SkyCable's 50mbps plan. Unlimited (no data cap) so sawang sawa kakadownload. Ok naman s'ya, no problems since maikabit a few months ago. All devices can now watch 4k/1080p streaming kahit sabay-sabay, most torrents can go up to 7mbps DL speed (fastest I've seen), and hindi naman bumibitaw sa games so far. Ang nakita ko lang na issue is medyo mabagal sa facebook videos... mukhang sinasakal nila yung bandwith nila sa FB kasi madaming nag-facebook.

     

    When the broadband installer came, binantayan ko: ang typical kasi na gagawin sa'yo dyan para mapabilis sila isshare sa connection ng TV mo, sasabihin kaya naman nung line. Lima yung tv sa bahay na connected sa cable kaya hindi ako pumayag, pinakabitan ko ng sariling linya yung internet galing sa poste. At least hindi mo na kaagaw yung mga tv sa bahay para sa signal, yung mga kapitbahay mo na lang. :)

  3. Allow me to be the devil's advocate.

     

    Medyo related lang, pero nangyari sakin to once sa isang model/ahente ng sikat na energy drink na naka-mini-cooper na company car (lol). Nagsimula sa usap, tapos text, tapos coffee, tapos long-drive to Ilocos na para sa kasal ng pinsan ko (meet the family!!!). Masaya naman, hanggang umabot sa point na nawala na ang initial spark at "normal" na mag-bf/gf na lang kami. Mature ang relationship namin at maluwang kami sa isa't-isa pero sa likod ng isip ko, alam kong puwede s'yang mag-entertain ng ibang lalaki gaya ng ginawa n'ya sakin. Malamang sa likod ng isip n'ya, alam n'ya na kaya kong makipagkilala sa iba dahil sa ganun ko s'ya nakilala. After 2 years, nagkahiwalay din kami. Ang maganda lang magkaibigan kami at kasama ko lang s'ya sa bar last week.

     

    To end this post, may mga iiwan lang akong tanong sa mga naiinlove sa mga babae sa industry:

     

    - Maharot ka, maharot s'ya, kapag wala na ang love goggles ninyo na siguradong mangyayari, sino ang unang haharot ulit?

     

    - Follow-up 1: Kapag wala na ang spark, hindi ka na ba babalik ulit sa MP/SPA/ETC?

     

    - Follow-up 2: Kapag gipit na s'ya o may nakilala s'ya na magbibigay ng masmagandang buhay sa kanya, sigurado ka ba na hindi ka n'ya iiwan?

     

    - Napa-post at napa-research ka kasi di mo alam kung tama ba ang papasukin mo. Sigurado ka ba na kaya mong isagad ang effort sa relasyon n'yo? Ang mas-mahalaga, sigurado ka ba na kaya n'ya mag-sagad ng effort para sa inyo (itong part na to, wag ikaw ang sumagot. Kung in-love ka, kahit araw-araw humihingi ng 1000 sa'yo yan, may chance na hindi mo maiisip na nasasamantala ka)?

     

    Sabi nga nila, ok lang naman na makipagrelasyon sa mga babae sa industry na to. Yun nga lang, tandaan mo na iisa ang salbabida sa barko n'yo. Kapag dumating ang punto na lulubog na ang barko, siguraduhin mo na ikaw ang may hawak ng salbabidang yun.

  4. Hehehe, was wasting money surfing the net -and as usual- searching for adult groups here in the Philippines when i stumbled upon this site with numbers as its name.... masay pala dito!!!!! You'll have to pay for everything, pero not with money but with hard work. ASTIG!

×
×
  • Create New...