Jump to content

dark_devil

[04] MEMBER II
  • Posts

    142
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by dark_devil

  1. Maraming salamat sa pagsagot ng katanungan ko.

     

    1. anong ground ang pwede kong isampa?

     

    mas malamang sa hindi, declaration of nullity of marriage dahil sa psychological incapacity ng isa sa inyo (pero, check mo rin yung marriage papers nyo, baka sa fixer lang kayo nagpakasal, walang lisensya, wala kayo sa tamang edad o di-kaya'y walang consent ng magulang)

     

    2. Magkano po damage ng annulment (ako po kasi ang gagastos sa lahat)?

     

    depende sa abugado na makukuha mo (tsaka baka hindi annulment kundi "declaration of nullity" ang isasampang kaso, depende na sa depekto na makikita ng abugado). pero mas malamang sa hindi, hindi yan bababa ng P100T (yang amount nga na yan ay super super super mura)

     

    3. Pwede po bang non-appearance kasi nasa aboard pa rin yung ex wife ko?

     

    ang importante, nandito sa Pilipinas at magpapakita sa korte ang nagsasampa ng kaso. kung di magpakita yung nirereklamo, tuloy pa rin ang kaso.

     

     

    4. 6 years na kaming hiwalay. sabi kasi sakin ng kaibigan ko pwede daw po ulit ikasal yung mga naghiwalay ng 7yrs o matagal pa?

     

    yan ay isang maling-mali na paniniwala. kahit ilang taon pa kayong hiwalay, kahit 50 years or more pa, kasal pa rin kayo sa isa't-isa, at dahil diyan, hindi ka pwedeng magpakasal sa iba, baka makasuhan ka pa ng bigamy. hangga't alam mo na buhay ang magaling mong asawa, hindi ka pwedeng magpakasal sa iba.

     

    ibang usapan yung naglaho ang asawa mo, di mo alam kung siya ay buhay pa o patay na, at may katuwiran kang maniwala na siya ay patay na [sa kaso mo naman, hindi naglaho ang asawa mo, naghiwalay lang kayo]. kapag ganung sitwasyon, pwede ka nang pumunta sa hukuman para ipadeklarang "absent" ang asawa mo. kapag pumayag ang korte, pwede ka nang magpakasal uli [NOTE: kailangan mo pa ring magsampa ng kaso sa hukuman, hindi yung basta-basta ka lang magpapakasal, see Article 41, Family Code]

     

     

    IN ENDING, kumunsulta sa abugado tungkol sa kaso mo. marami namang abugado na maaari mong makausap ng di ka pa gagastos (baka pakain lang he he he). bring all your relevant documents.

  2. Help naman mga idol. last 2005 kaming kinasal. last 2006 naghiwalay kami kasi nagkaroon yung wife ko ng 3rd party nung nasa aboard sya. nagkita kami ulit nung nov. 2010 para gumawa ng block and white letter (kasunduan) na nag papatunay na hiwalay na kami at wala ng pakialaman sa isa't isa. with witness ang mother ko at mother niya s isang law firm sa bulacan. Ngayon ay may ka live-in ako at may anak na isa. Gusto ko sama mag file ng annument:

    question 1. anong ground ang pwede kong isampa?

    2. Magkano po damage ng annulment (ako po kasi ang gagastos sa lahat)?

    3. Pwede po bang non-appearance kasi nasa aboard pa rin yung ex wife ko?

    4. 6 years na kaming hiwalay. sabi kasi sakin ng kaibigan ko pwede daw po ulit ikasal yung mga

    naghiwalay ng 7yrs o matagal pa?

     

    Maraming salamat.

  3. sir dark... try nyo sa mama ching lodge, very affordable dun, halos beachfront at pang barkada ang set up ng mga rooms...

    get in touch with them in this number.. zero nine zero six seven one eight one zero eight eight

     

    as for my prices sa foodtrip, 99 t0 145 lang BUSOG na kayo!

    sagot ko na ice tea gallon ninyo at brewed coffee sa almusalcool.gif

     

    Thanks Sir for the info. cheers :)

×
×
  • Create New...