Jump to content

Seaman69

[08] HONORED III
  • Posts

    668
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by Seaman69

  1. Ang repeated physical violence directed against a common child ay ground lamang para sa legal separation (kasal pa rin kayo sa isa't-isa, pero pwede kayong maghiwalay ng landas, wala na kayong pakialaman sa ari-arian ng bawat isa sa inyo. dahil kasal pa rin kayo, di ka pwede makisama sa iba).

     

    Ngunit, subalit, datapwat... dahil hindi naman katanggap-tanggap ang legal separation sa karamihan na may problema sa kani-kanilang kasal, pwede mong palabasin na yang pananakit ng asawa mo sa inyong anak ay sintomas o tanda na siya ay psychologically incapacitated to comply with the essential marital obligations of marriage.

     

    Alalahanin mo na ang pagmamahal at pag-aaruga sa anak ay isa sa mga essential marital obligation. Kung hindi ito nagagampanan ng asawa mo, at ito ay maitatali/maiuugnay mo sa isang psychological incapacity sa bahagi ng iyong asawa, pwede mong ipawalang-bisa ang kasal mo.

     

    Ang abugado mo ang bahalang dumiskarte para dito, siya na ang kukuha ng eksperto na magsasagawa ng pag-aaral sa inyong mag-asawa upang matiyak kung meron ngang psychological incapacity sa bahagi ng iyong asawa.

     

    Dumulog na sa abugado. Good luck sa iyo!

     

    Maraming Salamat po!

  2. Yung wife ko sinasaktan ang anak ko up to a point na kailagan ng anak ko ng minor surgery. Pwede po bang basehan ang child abuse then annulment. 7 years na po kaming di mag kasama.

  3. that's a tough situation bro but nevertheless, good luck in your situation....

     

    if the children are 7 years old and above, I do think they have the right to choose which parent they would be in.....but there's visitation agreements that needed to be worked out in both parties...

     

    hope for the best!!

    :)

     

    Thank you Sir Tanglewood for the concern. And all the counselors in this forum. More power sa MTC.

  4. Good day Sir,

     

    Sana matulungan nyo po ako sa sitwasyon ko. Seaman po ako at yung asawa ko po ay nagwaldas ng pera namin hanggang sa umabot na po ng halos 1M yung mga pag-kakautang nya sa ibat-bat tao. hindi nya po ma-explain kung saan nya ginastos ang mga pera. Binayaran ko po lahat ng utang nya at yung iba po nasa pangalan ko ang credit card. Pumunta po sya ng US at tumigil doon ng 4 1/2 taon na di nag susutento sa mga ank namin. Ako po ang nag sustento sa mga anak namin ng mag-isa habang nasa care po yung mga bata ng magulang ko. nalaman ko din po na bago sya pumunta sa US ay nag karoon po sya ng kalaguyo ayon na rin sa mga kapit-bahay at anak ko na 3 taon. Pag dating nyta po sa US, nag roon po sya ng bagong BF doon na natuklasan ko sa pamamagitan ng e-mail nila sa isat isa.

     

    makalipas ang 5 taon, umuwi po sya dito sa Pilipinas at kunuha ang mga anak namin. Ang tanong ko po.

     

    May laban po ba ako kung mag file ako ng annulment, at aalis din po ako para mag trabaho uli bilang seaman. may ngsabi po sa akin na talo po ako sa kaso dahil wala ako sa Pilipinas. Ako pa rin po ang nag papa-aral sa mga bata at nag susustento hanggang ngayon, at sa kabila po noon at binabantaan nya ako na hindi paalisin sa Pilinas dahil natuklasan dijn po nya na may GF na ako. Ngunit nag karoon po ako ng GF noong nalaman ko na may BF na syang muli sa US.

     

    Maari nya po bang bigyan ako ng hold departure order basta-basta? Ang lawyer po na nag-advise sa akin ay nagsabi na talo ako sa kaso dahil babae ang kalaban ko. Pakiliwanagan naman po ako. Matagal na po akong nag titiis at block-listed na po ako sa mga credit-card companies dahil sa ginawa nyang pagwawaldas.

  5. Mga Sirs,

     

    Idudulog ko lang poa ang aking situation.

     

    I have been married for 13 years now. My wife cheated on me and her bestfriend is a witness and also she "dispalko" a lot of money (P800K) with no valid reason. She left for the US 5 years ago and left my 2 kids with me. I have been raising my 2 kids on my own with any help from her. I have found a GF that I am seriously involved right now. I am planning to submit a case of annulment. Ano po ang pwede kong i-reason sa annulment case.

     

    Nasabi ko na po sa Ex-Wife to be ko na mag papa annul ako at OK naman daw sa kanya. At alam din nya na mag GF na ako at namumuhay ng tahimik.

     

    Maraming Salamat po.

×
×
  • Create New...