First thing I did after a major break-up?
I stopped going back.
Hindi lang sa lugar… kundi sa idea na pwede ko pa siyang balikan, ayusin, o “iligtas.”
After everything fell apart—after nung huli naming usapan na parang wala nang natira—ang una kong ginawa, I broke my own routine. Yung dating Friday nights ko na automatic na papunta doon, bigla kong tinigil. No explanations. No “last visit.” Just… stop.
Hindi siya madali.
For the first few weeks, parang may kulang. Para kang may hinahanap na hindi mo ma-explain. Sanay kasi ako na andun siya—kahit alam kong hindi naman talaga “kami.”
Then reality hit.
Hindi pala ako nag-move on sa kanya… kundi sa version ng sarili ko na gusto kong paniwalaan habang kasama siya. Yung lalaking akala niya kaya niyang baguhin ang mundo ng ibang tao just because he cared enough.
So instead of chasing that feeling again, I sat with it.
Tahimik. Walang distractions. Walang replacements.
And slowly, dun ko naintindihan—hindi lahat ng “connection” meant to become something more. Minsan, dumadaan lang talaga sila para ipakita sayo kung sino ka… at kung ano yung kailangan mong baguhin sa sarili mo.
After that?
I started choosing things that were real. Yung hindi kailangan bayaran, hindi kailangan pilitin, at hindi kailangan i-save.
Kasi sa totoo lang, yung first step ko after that kind of “break-up” wasn’t finding someone new.
It was finally learning how to let go… nang hindi umaasa na babalik pa siya.
eto ung karugtong ng story ko from: the other side of the coin