May nagtanong sa akin kung ano daw ba ang update dun sa GM at Thera Wife na hindi marunong magluto (Page 620 of this Thread)...
Ok naman, sila pa din, actually naaya nila ako kumain ng Dinner sa isang restaurant, ganito ang naging eksena:
So we ordered tapos dumating at sinerve na ang pagkain:
Husband: Wow! Mukhang masarap lahat! Kain na tayo!
Wife: Teka, teka Honey, hindi ba tayo mag-pe-pray muna? Sa Bahay lagi tayo nag-pe-pray bago kumain..
Husband: Honey, sa bahay naman yun, dito sa restaurant, marunong magluto ang chef...
🤣🤣🤣