Jump to content

pogi444

[01] LURKER
  • Posts

    2
  • Joined

Posts posted by pogi444

  1. Tama, respeto at tiwala sa isa't isa ang kailangan. Ang importante totoo mahal nyo ang isa't isa. Handa nyang talikuran at isakripisyo dahil sayo. Success story ang meron ako. Dati madalas akong mapunta sa ganitong lugar. Hindi ako naghahanap ng relasyon o pagmamahal. Relaxation lang at tanggal stress sa iba't ibang thera. Pero ayun isang araw, tinamaan ako. At buti na lang tinamaan ako sa thera at ganun din siya sa akin. Lumabas kami, nagkakilanlan, natapat at nagplano. Sabi ko kung talagang mahal nya ako, titigil na siya sa ganyan hanap buhay. Pumayag naman siya. Parang movie na "Pretty Woman" nga ang nangyari. Actually, a week bago siya mag lastday, di na siya nagwork, siguro respeto din sa akin. Kaya ng mag last day na siya at dahil stay-in sila, sinundo ko talaga siya kung saan siya nagwork para kunin na rin lahat ng gamit nya. Dami ngang kasama nya na nakatingin na pawang malulungkot, sa isip ko "huwag kayong mag alala, makikita nyo rin ang para sa inyo". Habang umalis na kami, itinapon na niya yun dalawang simcard ng cp nya. Hindi na muli siyang bumalik sa ganun. Nagsama kami ng maluwat. Kasi maiksi ang ligawan namin, kaya parang nanliligaw pa rin ako kahit magkasama na kami. Nag negosyo kami, siya ang naghahandle. Tinuruan ko siya. May ups and downs sa negosyo, pero parte naman talaga yun, kasi syempre di naman kaagad ma perfect. Nag work ako siya naman sa negosyo. Masaya kaming nagsasama for over 10 years na. At nangako sa isa't isa na walang iwanan. Naipakilala ko namam siya amin at ganun din ako sa kanila. Maayos naman ang negosyo, umunlad, may mga insurance at savings na rin. Kaya kung saan-saan na kami nakapamasyal. Nabili na rin namin yun pangalawang sasakyan namin. Nagpapasalamat kami sa ama sa langit at napakabuti nya sa amin Basta mabuti ang iniisip sa isa't isa at hangarin mabuti din ang kahihinatnan.

    Hanggang dito na lang...

    Ibinahagi ko lang ang aking magandang karanasan.

     

    • Like (+1) 3
×
×
  • Create New...