Jump to content

kitzsen18

[05] MEMBER III
  • Posts

    261
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by kitzsen18

  1. that's why i love 80-90's

     

     

    panahon natin 'to mga tsong at tsang.....kulit mo!!!!!

     

     

    "Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga

    unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa

    ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga

    artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang

    panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa

    ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di naman

    old fashioned. Saktong-sakto lang!

     

    Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman kung

    kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang listahan

    na makapagpapatunay if you're one of us. R U?

     

    1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man,

    Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung

    ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog.

    Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon

    tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero

    marathon. (at minsan natutuwa kang maki-shigi-shigi-UUAA!)

     

    2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending

    lasang champoy)

     

    3. Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang si

    Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto

    ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pano sila

    lumalaban sa final challenge na parang nakasakay

    sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang

    water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga

    Pilipinas sila?)

     

    4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na

    uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106"

    hanggang maubusan ka ng hininga. (speaking of istasyon ng radyo,

    naabutan mo pa na napaka-barok at corny ng jokes sa 93.9)

     

    5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo,

    Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123,

    Langit-Lupa-Impyerno, Land-Water-Air-Go, Syato,

    Luksong-Tinik,Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong

    nakakapagod.

     

     

    6. Pumunta ang mga tag! a- MILO sa skul niyo at

    namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup

    na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at

    nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO

    kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

     

    7. May malaking away ang mga METAL (mga punks na

    naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na

    puruntong na kahit Makita na ang dalawang bundok.)

    Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at

    kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang

    "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag play

    safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.

     

    8. Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!"

    na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.

     

    9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

     

    10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game.

    (hi-tech na yun noon)

     

    11. Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may

    mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)... at yung

    isa

    pang version nito ay may mga picture ng kotse na may statistics na di

    mo

    naman maintindihan ang koneksyon nito sa picture ng astig na kotse o

    dragster.

     

    12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si

    Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin

    na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si

    Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa

    muscle... at nagustuhan mo na rin si jake the snake.

     

    13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong

    dance steps na nakapagpamukha sa'yong tanga sa saliw

    na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can't

    Touch This.

     

    14. Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment

    at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan

    nagpapagandahan ng production numbers ang Monday

    hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday

    group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

     

    15. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng

    Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical

    Depression, The Teeth, The Youth, After Image,

    Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang

    sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong

    nakinig ka ng Siakol!)

     

    16. Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and second

    generation)

     

    17. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong.

    Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos

    mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong "Mighty

    Kid"

     

    18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga

    larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng

    pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay

    si GI-JOE with alipores.

     

    19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you're

    girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan,

    doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari .

    ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung

    meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)

     

    20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may

    walong tahi sa visor nito.

     

    21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil

    masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan

    sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga

    tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Landers a.k.a.

    Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida

    sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at

    namatay pa ng maaga)

     

    22. Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"

     

    Bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng Pilipinas

    naroon, eh nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko.

    Siguro'y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang

    pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng

    pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya kung

    anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng

    gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero

    kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho natin ng

    karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sa

    panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan.

    Di ba?"

×
×
  • Create New...