Jump to content

The Flipside of Social Networking (Facebook, MySpace, Multiply, Friend


Recommended Posts

  • 2 months later...

Ang social networking ay hindi na lang isang fad. In fact, sa tingin ko, part na ito ng pamumuhay ng mga walang disiplana at mga hindi busy sa makabagong panahon. Lahat na yata, may facebook account. Pero, mind you, ‘yung mga walang account ay may substance at may class din naman. I’m not saying na kung wala ka nito, hindi ka “in” or “loser” ka. It’s just that communication plays a huge part in our daily lives. Kanya pupusta ako, kapag tsismoso’t tsimosa, tiyak kong may fb account. Sa parte na paggamit ng fb, iba’t-ibang klase ng mga personalidad . Hanapin sa mga sumusunod kung sino o alin kayo:

 

1. The ‘Everything I Do, I Do It For Status Update” User. Sila itong mga taong lahat na lang yata ng ginawa sa buhay kada araw ay nakapost via status update. At kung masugid kang tagamasid ng news feed, maririndi ka na sa kakabasa sa kanilang mga posts na kulang na lang eh pagkurap, pag-utot, o pagbuntong hininga nila ay inilalagay sa status. Tapos, kadalasan post nila, like nila!

 

2. The Sage. Eto. Sa totoo lang, sa lahat ng users, sila ang paborito ko. Lahat ng posts nila ay may sense, may it be their own pure thoughts, a clichè, an old saying or a simple quote. Okay sila kase nakakainspire ang status updates nila. Para silang hallmark cards, they write something that can either lift up your spirit or something you can reflect upon.

 

3. The Emoticon. Kasama na dito yung mga taong bitter at kala mo’y broken-hearted palagi. Puro ngitngit at pighati. Yung tipong naka-move on na lahat, sya na lang yung hindi. Lahat ng posts malulungkot o di kaya’y may kung sino mang pinatatamaan. Sila yung tipong hanggang parinig lang. Tipong may controversial effect dahil indirect ang pinatatamaan nila, at for sure may magcocomment agad na nagtatanong kung about san yung status update nila.

 

4. The Holy. I have nothing against them ha. In fact, nakaka-inspire din ang mga taong ito dahil ang bawat status updates nila is about God. Or bible quotes. Ginagawa nilang extension ng simbahan ang net. Ayun. Nice di ba?

 

5. The Cold Ones. Sila yung mga palaging nagpaparty ng bongga sa mga bars, nag-a-outing sa mga beaches, bora, puerto, or trip out of the country. Mga COOL. Gusto ko rin silang tawaging The Explorer. Or The Traveler. Magpopost palagi yan ng bagong photo albums na parang sobrang sasaya nila palagi sa mga nasabing picture. Pero sa totoo lang, karamihan diyan ay lonely at kept-person ng mga maykayang partner o kabit. Uy! Hindi ko sinabing lahat.

 

6. The Vain. Sila yung mga taong kung makapagpalit ng profile pic ay parang nagpapalit lang ng damit. Ito yung mga tipo ng tao na, palaging may hidden agenda sa tuwing makakahawak ng camera — ang mai-capture ang kanilang perfect angle. “Pang-profile pic din ito” yan ang kadalasan nilang iniisip, aminin man nila o hindi.

 

7. The Player. Adik. Adik sa online facebook games. Sila ang mga taong ang halos laman ng wall ay puro updates tungkol sa mga ka-ek-ekan na pinagagagawa nila sa mga laro. Hindi na halos sila nakikihalubilo sa mga tao sa fb dahil abalang-abala sila sa paglalaro. Well. Kanya-kanyang trip lang yan. At walang basagan ng trip.

 

8. The Generous. May makitang magandang vid, ikiclick agad ang share. May makitang magandang pic, click share. May makitang magandang quote, click share o kaya naman eh irerepost. Mapagbigay sila ng sobra. Isheshare ang lahat ng pwedeng ishare. Di ba? Kahit minsan ay hindi naman ito point of interest ng mga shareholders.

 

9. The Doppelganger. Sila ang mga taong may pinagtataguan. Ex, stalker, si number 2, whatever. Dalawa ang account nila sa facebook. Ayun eh siguro para hindi mabuking ni number 1, si number 2. Pero yung may mga ganitong problema, mas madalas konti lang ang nakakaalam ng account name nila, or better yet, walang account. Sorry po sa mga tinamaan. Nag-eenumerate lang naman ako dito.

 

10. The Baby. Hindi mo alam kung pano nagkaron ng fb account ang isang sanggol. Pero ayun at nandun sila, may pending request to add you as their friend. Masisipag lang talaga siguro ang mga magulang nila, na right after silang pagawan ng birth certificate, ay ginawan din agad sila ng fb account. Kabilang na rin dito ang mga batang nauna ng magkaroon ng facebook account bago pa natutong magsulat at magbasa. Yung ibang mas maluwag ang turnilyo, pati pets may account.

 

11. The Spokening Dollar. Ayun naman. Hindi naman sa nagpapaka-perfectionist ako. Kaya lang, may mga tao talagang trying hard kung maka-ingles. Buti sana kung si Melanie Marquez o Jimmy Santos ka at mejo nakakatuwa pa, pero, ampanget talaga basahin ang isang post na puro wrong grammar. Dalawang klase ng tao yan — yung mga trying hard, at yung mga unaware na mali ang kanilang grammar. Ipost mo na lang kase sa tagalog, mas mamahalin ka pa namin.

 

12. The Public Figure. There’s a thin line between public and private life. Ayun. Sila ang mga taong hindi kayang iseperate ang dalawa. Lahat na ng nangyari ay nabulgar na sa fb. Payo ko lang sa mga taong ito, think before you post. Some things are better kept between the people involved, hindi mo na yun kelangan ipangalandakan sa fb para makakuha ng simpatya at kontrobersiya dahil hindi ka naman artista.

 

13. The Uber Friendly. Sila ang mga taong kulang na lang eh gawing fansite ang kanilang account sa sobrang dami ng friends nila sa fb. Ask kita, kilala mo ba talaga lahat ng friends mo sa fb? Are you being friendly by doing that?

 

14. The Preoccupied. Sila yung mga tao na pag chineck mo ang wall ay last month pa ang huling activity. Ni Ha, ni Ho, wala. Hindi mo alam kung saang bundok na walang internet sila napunta at bakit hindi man lang magawang magparamdam. Masyado daw silang busy to even open the computer and browse the internet. Sana isinara na lang ang fb account, ganun din ‘yun. It’s either black or white, no gray areas please…

 

15. The Terminator. Mag-unfriend or mag-block ang hobby nila…

 

16. The Pop. Sila ang mainstream users. Tamang post, tamang status updates, tamang share, tamang like, comment etc. Kumabaga sa gamot, right dose lang. Kumbaga sa kape, tama ang timpla. Hindi nakakasuka, hindi nakakairita. Sensible at may timing.

 

Complex ang bawat isa sa atin, so, anong mix ng personalidad meron ka dyan?

Link to comment
  • 1 month later...
  • 2 weeks later...
  • 1 month later...
  • 3 weeks later...
  • 7 months later...

I blocked someone who always takes a picture of her face, kada update, may bago na namang picture. Babae ito at mataba na tisay na nakakainis, highschool schoolmate ko, di naman siya ganun kaputi dati pero grabe huh, panay pa facial, kulang na lang imudmod mukha niya sa facebook..

 

I don't see we have to gain anything on Facebook. All we see are the same annoying things everyday, like the photos of the food, the selfies, and some pictures of people smiling while attending a funeral of a loved one.

 

Nakakainis diba? update na lang update, who cares?!

Link to comment
  • 4 weeks later...

Oo nga kailangan ba munang picturan ang food sa hapagkainan, nalimutan muna magdasal, tapos ipost daw sa instagram.Tapos, sa facebook , kelangan pa bang ilagay ang update ng status if single, married , complicated, Keber? Eto pa matindi, need pa bang ilagay ang mood nga face nyo if nag eemote or masaya? Sa twitter naman, grabe , dito na yata ako nakakita ng nag - aaway lalo na mga artista, dun nila ilalabas pag aaway nila, hala talaga hitech na talaga, wala na talaga privacy, lahat ibuyangyang na nila kung ano nangyayari sa buhay nila.. KALOKA! :-)

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...