Jump to content

Recommended Posts

Dear Digong,

 

Diba sabi mo on day 1 mag issue ka na ng EO para sa FOI sa executive department, mukhang kabyos ata tayo sa time table. Hinde bale baka this week lumabas na yang EO na iyan! Asahan po namin yan.

 

Dear Hellyeah

 

Nung merong bumabatikos kay BS Aquino kung bakit parang nakalimutan na nya ang pangako nya na ipapasa ang FOI bill, sabi mo wag masyadong mainipin. Bakit kamo atat na atat sa FOI bil eh di pa naman tapos ang termino ni Pnoy.

 

Eh ngayon, tapos na ang termino ni Abnoy. Naglaho na yung pagako nyang FOI Law. Wala pala namang ng aasahan sa idol mo.

 

Eto naman ngayon, ikaw naman ang nagmamadali sa EO ni Digong.

 

Kung yung idol mong ipinagtatanggol, hindi naman naka-deliver sa FOI bill, ano naman ang karapatan mong madaliin si Digong?

Link to comment

Dear Digong,

 

Si Jaguar po ay napatay nung panahon po ni Noynoy! Sana po magpakitang gilas din po kayo sa unang mga buwan wag po tularan si Noynoy na Johnny come lately na! Tutal naman po ang plataporma nyo ay anti-drugs isang mayaman at bigtime na drug lord naman po sana ang mapatay!

 

Umaasa po ng lubos!

 

PS : May secret code po ba or may malalim na ibig sabihin ang inyong kataga nyo "On day one of my administration?" paki linaw naman po! Bwekekekeke!

 

 

Ahhhhhhh kay Noynoy pala credit ito kasi nangyari ito nung panahon na nakaupo sya

 

Bat si Digong ang tinatanong mo ngayon kung bakit puro mahihirap na adik lang karamihan nahuhuli at napapakata eh nangyari naman pala ito nung panahon ni Noynoy? Bat di mo sa Dear Noynoy ito itinanong? Bat Digong kinakastigo mo eh kakaupo pa lang ng tao. lol

Edited by Edmund Dantes
Link to comment

My second letter here.. Now you're the president.

 

Do not fail us. I, along with other educated voters, have gambled on you. We believe you because you are different and has the guts to make these long-awaited changes. I support you.

 

I hope you do not make a lot of mistakes. No one is perfect. Sometimes we have make sacrifices too. We have choose between difficult options and we have to choose the least evil.

 

Good luck! However, DO NOT fail us.

Link to comment

Dear Digong,

 

Hinde ka pa umuupo marami ng mga pulis na sumisipsip sa iyo, akalain mo Oplan Rody ang pangalan pero anti-drug campaign program pa ni Pnoy yun. Pero kung maganda naman edi ipagpatuloy mo na lang para panalo ang taong bayan.

 

Siya nga pala bakit ang mga galit sa nakaraang Administrasyon ang tawag sa dating president ay Abnoy? Pero yung mga hinde sumasang-ayon sa iyo Pres. Duterte or Pres. Digong ang tawag sa inyo at may pag-respeto? Pahiwatig kaya ito ng mababang antas ng diskurso o kakulangan sa pinag-aralan? Nawa'y maisama nyo ito sa inyong programa. Bwekekekekeke!

Link to comment

please start enforcing the no smoking policy in public places. especially near hospitals. particularly in the buildings beside the medical city in pasig. those inconsiderate smokers know full well that some people who might frequent the restaurants there could be suffering/recovering from pulmonary ailments. yet they gleefully smoke like there's no other people. i should know, because i've experienced this struggle first hand. if you have to smoke, then do it away from the public, please.

 

blinkers galore in every street as well. congressional avenue is littered with stores selling them. this is unacceptable. even saw one vehicle with the "DU 30" sticker on the side with matching blinkers. i don't think your office approves of this mr. president. next on the chopping block should be the noisy, open-piped motorcycles. davao was quick to eliminate them, now the whole of metro manila should be rid of these noise makers. i know, small matters in the greater scheme of things but still worthwhile, imo.

 

ETA: "bato-bato sa langit, tamaan wag magagalit." just saying, if you're not part of the solution, you're part of the problem (blinkers, open-pipe).

 

good luck mr. president!

  • Like (+1) 1
Link to comment

Dear President Digong,

 

Mayroon po ba na programa kontra droga na mag-raid sa mga exclusive village at high end condo, isama nyo na rin ang mga top bars sa The Fort at Greenbelt. Nagmumukhang may kinikilingan ang batas kung mga dagang dingding lang ang kayang tigukin ng mga otoridad.

Link to comment

Dear Mayor President

 

Anak ng kamote, mabigat itong ginawa nyo po ngayon. Pinangalanan nyo na talaga itong mga Heneral na ito

 

http://www.rappler.com/nation/138704-duterte-names-police-generals-drugs

 

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko dito. Sa isang banda, mukha ngang gusto mo talaga hulihin malalaking Isda. Sa kabilang banda, sana pinagplanuhan nyo ito ng mabuti. Sana kumpleto naman ang inyong ebidensya at reliable intelligence reports. Kasi kung hindi administrasyon mo ang mapapahiya dito sa unang 100 days mo.

 

Anyway Mayor president I hope you know what your doing

Link to comment

Mabuhay kayo Manong Digong.

 

Siyanga pala, ako po'y G.I. ( Genuine Ilocana pero nagtatrabaho sa ibang bansa) at marami akong nabasa tungkol sa inyo, biro po ninyo, nasa Trivia book po kayo sa America na marami kayong minasacre na tao sa Mindanao, kasama ninyo sa listahan sina Hitler at si Mao - pero Presidente na po kayo ngayon...

 

Nasa bookshelf ko po ang libro..

 

Wala lang po, nagulat lang po ako..Wala rin ako sa Pilipinas at di ko po kayo naboto.

 

Isa lang po ang request ko po. Bawasan ninyo po ang buwis sa atin.

Link to comment

Dear P. Diggy,

 

Ang daming sumusuko na adik ngayon, tapos they make an oath na hindi na magdrugs, pipirma and then uuwi after.

 

Naisip ko lang sir, kung ako yung adik di ba mahirap para sa akin magquit na lang basta basta (adik nga e diba). Kung magquit ang adik ng sampung taon nagdrugs, or kahit 5 years lang, or kahit 1 year lang, hindi ba may withdrawal symptoms yan, may purging ng katawan yan. In other words sir mahirap magquit kase magwawala yung katawan dahil sa pangangailangan.

 

Hindi ba dapat may solution kayo diyan? Kung may sumuko dalhin dapat sa rehab diba? Kaso mukhang di niyo naisip ng maayos plano, parang dadalhin niyo lang sa takot ang adik para di na magdrugs, otherwise patay.

 

Bakit di niyo isakay sa bangka dalhin sa isang island lahat ng adik na sumuko (kung kulang ang rehab centers) ? Dun sila magrehab dami mga isla sa atin. In that way you can be sure you are cleansing the population of addicts di ba po?

 

Kaya ang dami adik na sumusuko kase "suko na tayo pipirma lang naman tapos uuwi din tayo pagkatapos" ang mentality. Parang naiisahan pa kayo ng mga adik sa style nila.

 

Hanga ako na dahil sa style niyo e nagpapakilala mga adik, pero kulang po ng action pagkatapos, dapat i rehab niyo mga yan para sigurado malinis.

 

Salamat po

 

 

Sa pagkakaalam ko, maraming mga LGUs ang me programa na sa mga ito at tinutulungan yun mga gusto magparehab. Gumagawa na din paraan para madagdagan facilities sa rehab center natin. Bukod pa dyan, tutulong din ang PNP para gumawa ng module sa mga eskwelahan tungkol sa drug education. So tingin ko lahat naman ng pwede gawin ng gobyerno para pakitang seryoso itong kampanya eh ginagawa na. OO hindi ito fool-proof, kahit naman mga henyo sa NASA wala namang fool-proof na sistema na naiimbento. Pero ang mahalaga lahat naman ng pwedeng gawin eh ginagawa. Pero ayun nga, talagang ganun, me mga taong hahanap at hahanap lang ng maisusumbat. Isa pa, ang pagtalikod sa bisyo na yan, mas responsibilidad yan ng adik mismo. Eh kahit naman irehab mo yan me nagre-relapse pa din. Meron din tuluyan ng nakakawala kahit wala namang rehab. I mean pinasok pasok mo bisyo na yan, ngayon kung desidido ka magbago eh labanan mo yan. Yan o kaya, pasensyahan na lang kung ikaw na sunod na mahuli.

 

Para di OT.

 

Pres. Digong

 

Kahanga hangan nga na kaya mo sumakay ng commercial flight ng di nagpapa VIP treatment. Ito ang magandang pulitika, halimbawa ng pagpapakumbaba. Ito ang naglalapit lalo ng gobyerno sa tao.

 

Pero sa kabilang banda, isipin mo din sana na importante siguridad mo. 100 milyong pilipino nakasalalay po sa inyo. Kung me mangyari sa inyo, eh pano na naumpisahan? Sayang. Marami pa naman sa kanila natututo na maging optimistic.

 

Magingat po kayo sana lagi.

Link to comment

Dear Digong

 

Ok yan na di ka masyado nagsasalita na sa media. Andyan naman press people mo. Kung ikaw kasi baka me murahin ka nanamn at sipulan. Tama po yan, magtrabaho ka na lang. Hayaan mo na lang na yung aksyun mo ang magsalita para sa iyo. At naks! parang tinotoo mo nga na prim and proper na lol.

 

Nga pala, congratulations sa pagpirma ng FOI. Sapak yan sa mukha ng yellow bleeding hearts. Tsaka Congrats na din sa tagumpay ng kampanya Kontra droga. Biruin mo 110,000 na drug personalities naaresto at napasuko? Pero I think dapat din icredit ito ng husto kay Idol Boss Chief Bato. Dapat bigyan yan ng magandang award!

 

Tama po sinabi nung nasa taas. Kyot kyot ni sir Bato. Parang si Humpty Dumpty. Hahahaha. Kahit tigasin at astig sa mga kriminal, parang teddy bear lang naman.

Link to comment

Dear President Duterte

 

May nabasa ako minsan na nagsasabi na siguro napaluha na ang dyos sa paghihirap ng Pilipino, at ikaw daw ang isinagot sa panalangin nila. Nitong huli parang gusto ko na din maniwala dito. Napakaironic naman, ikaw na babaero, siga, palamura ang magdadala ng pagkakaisa na matagal ng naging mailap samin.

 

Unang una, maraming presidente na ang nangakong pagkakaisahin bansa na ito. Pero ang pagkakaisa lang na naipamalas ay tuwing pag me laban si Pacquiao. Lahat ceasefire muna. Pati mga rebelde tumitigil pakikipaglaban sa gobyerno. Walang rally, walang krimen. Ang kaso, wala namang problema ng bansa ang nasusulusyunan sa mga laban ni Pacquiao. Nagkakaroon lang ng sandaling euphoria, tapos nun watak watak na ulit tayo.

 

Pero ang daming nangyari sa una mong buwan. Unang una, nagawa mong matiwala sayo ang mga rebeldeng grupo. Yun dating magkaribal na MILF at MNLF napagpulong mo. Tapos nung inalok mo kamay mo sa CPP NPA, ngayon naging bukas na din sila sa usaping pangkapayapaan.

 

Nun namang SONA mo, napakagandang pangitain. Yun mga pulis at rallyista walang gitgitan. Magkakasundo nga sila eh. Nagkwkwentuhan, kumakain ng taho, at si Idol Boss Chief nakaakyat pa sa entablado at trinatong rockstar!

 

Nun mismong sona, 4 na magkakaibang pananampalataya ay sabay sabay na nanalangin para sa bansa. Pwede pala naman ganun eh. Imbes bangayan sa relihiyon, eh pwede naman pala sabay sabay magbigay ng iisang panalangin para sa inang bayan.

 

At kahapon, yun 5 presidente natin na buhay pa, hindi mo lang natipon sa iisang kwarto. Nagawa mo pa silang magtrabaho kasama mo alang alang sa bansa. Di ba puros ito magkakaribal pa?

 

Ang galing! Sana nga tuloy tuloy na ito. Pwede naman pala na kahit iba iba paniniwala, kahit pa nga magkakaaway, pwede magsama sama. Magkasundo. Magtulong tulong at magmahalan para ibangon na sa wakas ating inang bayan.

 

Mabuhay po kayo Mayor President. Patuloy po sana kayo maging susi sa totoong pagkakaisa

Link to comment

Dear Digong,

 

Paano ngayon yan wala pang isang linggo unilateral ceasefire mo ilang ambush at abduction na nangyari against government troops, cops and cafgus... Ano ka ngayon?

 

Antagal mong Mayor sa Davao pero mukhang nakalimutan mo na hati na sa 2 malaki at iba pang maliliit na pangkat ang NPA ngayon. The Biggest faction are the ones under the Tiamzon Couple na ilang tropa ang nama.tay mahuli lang na balak mo pa yatang palayain kase "Political Detainees" sila...

 

The 2nd biggest faction are the ones still loyal to that old hag pal of yours who's living it up in the Netherlands, a Real Democratic country protected by it Laws and his imported American (what a fu.cking irony) lawyer... (doesn't he trust the Dutch on his lawyering needs? Well, they may go Dutch on him noh? :rolleyes: )

 

Hindi lahat ng Neps sa ground hawak ni Joma... Yan ang realidad... oh pano ngayon yan???

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...