Jump to content


Photo

Poll: Gen. Emilio Aguinaldo Vs Gen. Antonio Luna

Gen. A. Luna Gen. E. Aguinaldo Historical perspective Academic perspective Heroes

  • Please log in to reply
15 replies to this topic

Poll: Poll: Gen. Emilio Aguinaldo vs Gen. Antonio Luna

Gen. Antonio Luna

You cannot see the results of the poll until you have voted. Please login and cast your vote to see the results of this poll.

Gen. Emilio Aguinaldo

You cannot see the results of the poll until you have voted. Please login and cast your vote to see the results of this poll.
Vote Guests cannot vote

#1 FleurDeLune

FleurDeLune

    The Lightworker

  • Moderator
  • 5,177 posts
  • Gender:Female

Posted 29 September 2015 - 04:37 PM

Pag-usapan natin ang tungkol kay Hen. Emilio Aguinaldo at Hen. Antonio Luna base sa aspetong pang akademiko.
 
Ito ay nag-ugat mula sa kalalabas pa lamang na pelikulang "Heneral Luna" na mainit na pinag-uusapan sa halos buong kapuluan ng Pilipinas. Ang nasabing pelikula ay maituturing na isa sa pinakamahalagang obra-maestra na nagawa sa kasaysayan ng Industriyang Pampelikula dahil ito ay napapanahon at sumasalamin hindi lang sa kung ano tayo ngayon kundi sa mga aspetong: sosyo-kultural, kolonyalismo-kultural, ideolohiya, pilosopiya, nasyonalismo, atbp.
 
Pero ang mahalagang usapin dito, kung pagbabasehan ang ating kasaysayan o yung mga nasusulat sa ating kasaysayan, sino nga ba sa kanilang dalawa ang maituturing na bayani at sino ang traydor?
 
Ayon sa ilang nasusulat, si Hen. Antonio Luna ay ipinagkanulo niya kung sino ang nasa likod ng rebolusyonaryo o katipunero (pabor sa mga kastila), at nangamatay yung mga naituro nya. Si Hen. Aguinaldo naman ay nasasabing siya ang nagpapatay kay Hen. Antonio Luna, bukod pa dito yung pag amin nya na responsable sya sa pagkamatay ni Andres Bonifacio.
 
Pakidagdag ang karagdagang kaalaman hinggil sa usaping ito. Maraming salamat. 
 

Edited by FleurDeLune, 29 September 2015 - 04:51 PM.


#2 soulkeeper32

soulkeeper32

    Looker

  • (04) Casual
  • PipPipPipPipPip
  • 130 posts
  • Gender:Male
  • Interests:how life works

Posted 30 September 2015 - 12:19 AM

Para sa akin si Antonio Luna ay maituturing na Bayani dahil sa hindi mapapantayan kagitingan pinamalas nya at

kahusayan sa pagmamaniubra ng ating hukbong sandatahan noong Philippine - American War (1898-1901).

 

Masasabi na may pagkarational ang liderato nya (artikulo uno) sa mga pilipino na kawal, pero ito ang tangin

paraan upang manatiling disiplinado at buhay ang apoy sa damdamin ng bawat mamayan.

 

Tao lang din naman sya marunong umibig (Nellie Boustead, Ysidra Cojuangco), anak na marunong gumalang sa ina, kapatid at isang propesional.

 

Pero sa panahon ng nagigipit na naman ang ating kalayaan dahil sa (Treaty of Paris, December 1898) pagpasok ng mga Amerikano sa bansa.

 

Kailangan ni Heneral Luna na pumili kung ano sa mga propesyon nya ang dapat nya gamitin na naaayon o kinakailangan sa mga ganon na panahon. Bilang isang mahusay na sundalo (Brigadier General) pinamunuan nya ang hukbong sandatahan ng bansa.

 

Masasabi natin na Martir si Luna sa pagpapanatili ng kalayaan ng bansa na isa sa mga katangian ng Bayani.

Ano ba ang ginawa nya na masama sa bansa kundi ang ialay ang buhay nya para sa bayan lang naman.

Ang masakit nito na kung sino pa ang nagmamalasakit sa ating bansa ay sya pa ang napapahamak samantala ang mga "playing safe" ng panahon na iyon ay nabubuhay.

 

Pero hindi sya na maituturing na traidor dahil lamang sa nalalaman nya sa "Lihim ng Katipunan", pinahindian nya ito sa una pa lang sa paghingi ng suporta nya at ganun din si Rizal, dahil alam nila na hindi pa sapat ang puwersa at preparasyon ng mga panahon na iyon. Ang salaysay na nangaling sa kanya at sa kapatid na si Juan Luna noong sila ay hinuli at kinulong sa Intramuros (Fort Santiago) sa kasong may kinalaman sa Rebulusyon ay ginamit ng mga Kastila upang idiin pa lalo si Rizal na alam naman natin na numero UNO kaaway ng Espanya, pero hindi sinabi doon na tinuturo nya si RIZAL bilang pinuno ng Katipunan. Kaibigan nya ang tao

na ito at alam nya na hindi gawi ni Rizal ang dahas sa pagkamit ng kalayaan ng bansa.

 

Samantala ang ating unang pangulo na si Aguinaldo ay doble kara (50/50) ay patago na nakikipagkasundo sa mga amerikano sa pamamagitang ng  kanyang mga diplomats (secretary of Commerce) Felipe Buencamino at Pedro Paterno at sa kabilang banda ay hinihingi naman ang liderato ni Luna upang pamunuan ang mga kawal na Pilipino.

 

Sa aking opinyon ay hindi naging balanse si Aguinaldo sa kanyang bayan at nanaig sa kanya ang pansariling interes kaya madami siya nagawa na mga pagkakamali (Bayan o Sarili) na hanggang ngayon ay ginagawa pa rin ng ating mga opisyal ng bayan napalitan lang ang mga tao sa posisyon pero ang gawi at pagiisip ay ganun parin.

 

Ang aspeto ng pagiging MAKABAYAN ang dapat natin isaalang-alang sa pagpili ng mga tunay na bayani mababa man o mataas ang pinagaralan ng mga ito. Walang Bayani hinangad ang kapahamakan ng kapwa nya Pilipino dahil sa pansariling pagnanasa sa pagtatangol ng Sobrehensya ng Bansang Pilipinas.


Edited by soulkeeper32, 30 September 2015 - 12:23 AM.

  • daphne loves derby and FleurDeLune like this

#3 Raizenne

Raizenne

    YEBAHX!

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPip
  • 972 posts

Posted 30 September 2015 - 02:20 AM

Emilio Aguinaldo is without a doubt a pure politician - a corrupt politician!

Even Mabini who was his prime minister condemned his wrong doings:

 

Excerpts from the memoirs of Apolinario Mabini "Himagsikan ng Bayan Pilipino".

Chapter 10:

 

"Ang pagkamatay ni Andres Bonifacio ay nagpakilalang maliwanag na si G. Emilio Aguinaldo ay may isang walang habas na kasakiman sa kapangyarihan, at ang mga sariling kaaway ni Hen. Antonio Luna, sa pamamnagitan ng mga hibo, ay nakapagsamantala sa kahinaan niya (Aguinaldo), upang si Luna ay maipapatay. Kung kinatigan ng buong kaya ni Aguinaldo si Luna, sa halip na patayin, sabihing nagtagumpay sana ang Panghihimagsik, ay isa marahil na napakalabis na pangarap; ngunit hindi ako nag-aalinlangang ang mga ang mga Americano sana'y nagka-roon ng mataas na pahalaga sa tapang at kakayahan sa pagka-militar ng mga Pilipino. Kung buhay si Luna, ay tiyak na masasabi kong ang dagok na ibinigay ni Heneral Otis, ay nasugpo o kung di ma'y nailagan sana, at di napagkilalang maliwanag ang kawalang-kaya ni Aguinaldo sa pamamanihala ng hukbo. Tangi sa rito, upang mayalis si Luna, ay ginamit ni Aguinaldo ang mga kawal ding pinarusahan niyon, dahilan sa paglabag sa disiplina; pinatay nga ni Aguinaldo ang disiplina, at siya na rin ang lumansag sa kanyang sariling hukbo. Sa pagkahulog ni Luna na siyang lalong matibay na suhay, ay bumagsak ang paghihimagsik, at ang kalait-lait na pagkabagsak na buung-buong napapataw kay Aguinaldo, ay siya ring pumatay sa dangal nito, na makalilibong mapait kaysa pagkamatay ng katawan; si Aguinaldo nga'y siya ring sumira sa kanyang sarili, siya'y pinarusahan ng kanyang mga sariling kagagawan. Ganito kung magparusa si Bathala sa malalaking katampalasanan! 

 

Chapter 11:

"Mabalik ako kay G. Emilio Aguinaldo, kahimanawari ang aking mga palagay na walang anomang halong hinanakit, kundi tilang pagtupad lamang sa isang mabigat na tungkulin, ay huwag sanang makaragdag ng kapaitan sa kanyang puso, kungdi bagkus makapukaw sa kanya ng mapilit na pagnanasang matubos ang kanyang kahapon at mabawi ang dating pagmamahal ng madla, sa pamamag-itan ng mga gawang malinis at walang anomang pag-iimbot sa sarili. Nang ako'y bihag na sa Maynila, sa ilalim ng kapangyarihang amerikano, ay isang lathala ng pahayagang "The Manila Times" ang aking itinuwid mula sa isang pitak ng "El Comercio", at doo'y pinagpumilitan kong maipahiwatig kay G. Emilio Aguinaldo na ang tanging ikaliligtas niya, ay ang mamatay na bayani sa gitna ng isang digmaan. Hindi natagalan at sa isa pang lathalang nahayag sa "La.Fraternidad" na naghalintulad sa kanya kay Mr. Kruger (raging Presidente ng rnga Boer, Sur Africa,), ay inulit ko ang pahiwatig nang lalong maliwanag at tahasan: Alam. kong ang mga lathalang yao'y hindi kalulugdan ng mga pinunong amerikano; ngunit ako'y may pananalig na kung mamatay si Aguinaldo sa isang ubus-kayang pagtatanggol sa mga kalayaan ng bayan, ang kabayanihang ito'y ikapapabalik niya sa pagkagiliw ng madla at mabibigyan pa rin niya ng kapurihan ang mga Pilipino. Ngunit ang aking mga payo ay hindi natapad, bagay na hindi ko dinaramdam, pagkat ibigin man ni G. Aguinaldong gumawa ng sang-ayon sa gayong nais, ay batid kong hindi sa lahat ng pagkakataon ay magawawa ng isang tao ang kanyang ninanasa. Maaari rin namang, ang kanyang mga kasalanan ay talaga nang napakabigat, na di tuloy niloob ni Bathalang siya'y maging marapat sa isang kadakilaang walang kamatayan; o baka nama'y sadyang iniaatas ng kanya ring sariling ikagagaling ang mapakinggan niya ang hatol ng kasaysayan, upang ang pagsisisi ay tumugtog sa mga bagting ng kanyang puso. Madalas sabihin ng nasirang Andres Bonifacio nang nabubuhay pa, na hindi tayo dapat matakot kanino man, kungdi sa kasaysayan; at totoo nga na ang kasaysayan ay lubhang makatwirang hindi napupuwing, at ang kanyang hatol ay kakila-kilabot laban sa mga umuupasala, sa kanya". 


  • daphne loves derby and FleurDeLune like this

#4 Raizenne

Raizenne

    YEBAHX!

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPip
  • 972 posts

Posted 30 September 2015 - 02:45 AM

Para sa akin si Antonio Luna ay maituturing na Bayani dahil sa hindi mapapantayan kagitingan pinamalas nya at

kahusayan sa pagmamaniubra ng ating hukbong sandatahan noong Philippine - American War (1898-1901).

 

Masasabi na may pagkarational ang liderato nya (artikulo uno) sa mga pilipino na kawal, pero ito ang tangin

paraan upang manatiling disiplinado at buhay ang apoy sa damdamin ng bawat mamayan.

 

Tao lang din naman sya marunong umibig (Nellie Boustead, Ysidra Cojuangco), anak na marunong gumalang sa ina, kapatid at isang propesional.

 

Pero sa panahon ng nagigipit na naman ang ating kalayaan dahil sa (Treaty of Paris, December 1898) pagpasok ng mga Amerikano sa bansa.

 

Kailangan ni Heneral Luna na pumili kung ano sa mga propesyon nya ang dapat nya gamitin na naaayon o kinakailangan sa mga ganon na panahon. Bilang isang mahusay na sundalo (Brigadier General) pinamunuan nya ang hukbong sandatahan ng bansa.

 

Masasabi natin na Martir si Luna sa pagpapanatili ng kalayaan ng bansa na isa sa mga katangian ng Bayani.

Ano ba ang ginawa nya na masama sa bansa kundi ang ialay ang buhay nya para sa bayan lang naman.

Ang masakit nito na kung sino pa ang nagmamalasakit sa ating bansa ay sya pa ang napapahamak samantala ang mga "playing safe" ng panahon na iyon ay nabubuhay.

 

Pero hindi sya na maituturing na traidor dahil lamang sa nalalaman nya sa "Lihim ng Katipunan", pinahindian nya ito sa una pa lang sa paghingi ng suporta nya at ganun din si Rizal, dahil alam nila na hindi pa sapat ang puwersa at preparasyon ng mga panahon na iyon. Ang salaysay na nangaling sa kanya at sa kapatid na si Juan Luna noong sila ay hinuli at kinulong sa Intramuros (Fort Santiago) sa kasong may kinalaman sa Rebulusyon ay ginamit ng mga Kastila upang idiin pa lalo si Rizal na alam naman natin na numero UNO kaaway ng Espanya, pero hindi sinabi doon na tinuturo nya si RIZAL bilang pinuno ng Katipunan. Kaibigan nya ang tao

na ito at alam nya na hindi gawi ni Rizal ang dahas sa pagkamit ng kalayaan ng bansa.

 

Samantala ang ating unang pangulo na si Aguinaldo ay doble kara (50/50) ay patago na nakikipagkasundo sa mga amerikano sa pamamagitang ng  kanyang mga diplomats (secretary of Commerce) Felipe Buencamino at Pedro Paterno at sa kabilang banda ay hinihingi naman ang liderato ni Luna upang pamunuan ang mga kawal na Pilipino.

 

Sa aking opinyon ay hindi naging balanse si Aguinaldo sa kanyang bayan at nanaig sa kanya ang pansariling interes kaya madami siya nagawa na mga pagkakamali (Bayan o Sarili) na hanggang ngayon ay ginagawa pa rin ng ating mga opisyal ng bayan napalitan lang ang mga tao sa posisyon pero ang gawi at pagiisip ay ganun parin.

 

Ang aspeto ng pagiging MAKABAYAN ang dapat natin isaalang-alang sa pagpili ng mga tunay na bayani mababa man o mataas ang pinagaralan ng mga ito. Walang Bayani hinangad ang kapahamakan ng kapwa nya Pilipino dahil sa pansariling pagnanasa sa pagtatangol ng Sobrehensya ng Bansang Pilipinas.

Luna's interest with Nelly Boustead was true. At sa sobrang bad trip nya na binasted sya ng half French - half Filipina na bebot, tapos si Pepe ang sinagot. Naglasing ang taga-ilog, binastos ang bebot sa isang party, at muntik na silang magdwelo ni Pepe.

 

But the one between Luna and Ysidra is only a myth up to this point. 



#5 Edmund Dantes

Edmund Dantes

    Philanderer

  • (09) Manic Poster
  • PipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPip
  • 3,878 posts
  • Gender:Male

Posted 30 September 2015 - 10:07 AM

Not only was Aguinaldo a corrupt politician, he was a weak president. Magulo ang gabinete nya at kahit sya hindi nya maiayos ang sistemang political na gusto nya. Its no wonder kung bakit wala pang isang taon eh buwag na kaagad republika nya nung panahon ng mga amerikano.

 

OO lumaban sya sa mga kastila at naging key figure sya sa Philippine revolution, pero ginusto nya mapalaya pilipinas para makuha lupa ng mga prayle

 

Dinaya ng magdalo botohan sa Tejeros. Halata naman na ang gusto lang talaga maestsa pwera ang supremo. Sumunod naman sa usapan si Bonifacio. Iginalang nya kung sino mga lumabas sa botohan. Nung sya na ang mahalal sa isang mas maliit na pwesto, binastos pa ni Tirona.

 

OO panalo tropa ni Aguinaldo sa Cavite. Pero dahil maliit lang ang pwersa ng mga kastila sa probinsya nya. Pero nung nagpadala na Espana ng reinforcements, sunod sunod din talo nila sa Cavite at napilitang umatras sa Bulacan si Aguinaldo

 

Isa pa, madaming hindi nabibigyan ng highlight sa buhay ni Aguinaldo sa mga history books at mga pelikula. Tulad na lang ng pagiging collaborator nya sa mga hapon. Me katana pa yan. At di ba nakulong pa ito sa munti matapos ang Gyera dahil dyan?

 

Isa ring popular conspiracy theory kung bakit pinapatay ni Aguinaldo si Luna, ito ay dahil takot ang lahat maglunsad ng Coup attempt si Luna kay Aguinaldo. Pero dahil din dyan, bumagsak republika ni Aguinaldo kasi wala syang magaling na Heneral


  • FleurDeLune likes this

#6 Edmund Dantes

Edmund Dantes

    Philanderer

  • (09) Manic Poster
  • PipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPip
  • 3,878 posts
  • Gender:Male

Posted 30 September 2015 - 10:40 AM

Hindi maintindihan din ng maraming Pilipino noon kung bakit marahas yung pagdidisiplina nya sa mga Sundalo.

 

Noong panahon, wala pang mga military academy. Yung army noon eh puros mga kung sino sino lang na naturuan ng konti humawak ng rifle. Sa labanan importante sa sundalo ang maging disiplinado. Kasi kung hindi, magiging duwag at hindi na susundin yung commanding officer kaya masisira yung tactics. Conditioning ginagawa ni Luna

 

Noong panahon na yun wala pa naman machine gun at armored personnel carriers. Talagang importante ang mga tactical maneuvers para maipanalo laban. At para dito, kelangan lahat ng sundalo mo disiplinado. Halimbawa sa firing, dapat walang magpapaputok hangang hindi pa nabibigay instructions. Dapat maganda trigger discipline ng sundalo. Eh kung nerbyoso isa sa flank at magpaputok agad. Wala na! Hindi na tactical yung firing.

 

Sa panahon ngayon, na me mga military academy na tayo at special forces training, Boyscout lang na lalabas yung methods ni Luna. Hindi nga maintindihan ng ilan na kelangan na kelangan na kelangan talaga sa PMA ang hazing at humiliation. Papano magiging magaling sa labanan sundalo natin kung kurtin mo lang sa tenga iiyak iyak na?



#7 Wagmalikot

Wagmalikot

    Looker

  • (04) Casual
  • PipPipPipPipPip
  • 145 posts
  • Gender:Male

Posted 30 September 2015 - 11:45 PM

Luna



#8 jinsuti

jinsuti

    Experienced

  • (04) Casual
  • PipPipPip
  • 36 posts
  • Gender:Male

Posted 30 September 2015 - 11:47 PM

Luna..mga taga Kawit ...ewan sila noon



#9 mamangkantutero

mamangkantutero

    Charmer

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPipPipPip
  • 442 posts
  • Gender:Male

Posted 01 October 2015 - 05:29 PM

Huwag nating kalimutan na noong mabago-bago pa lang ang Katipunan, si Luna ang isa sa mga nagsumbong sa mga Kastila :D

PERO...eto ang kaibahan niya kay Aguinaldo: nang malaon, nahimasmasan siya at pinagbayaran niya ang pagkakamali niya at tumulong sa rebolusyon. Inamin niyang mali siya, kaya bumawi siya nang malaki sa mga kapwa Pilipino.

 

Samantala, si Aguinaldo.... ;)



#10 sam_morris01

sam_morris01

    Consul

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPip
  • 981 posts
  • Gender:Male
  • Location:Cainta

Posted 01 October 2015 - 10:26 PM

Sa isang salita... ayaw ko kay E. Aguinaldo...

#11 therealstag

therealstag

    Cutie

  • (04) Casual
  • PipPipPipPipPipPip
  • 207 posts
  • Gender:Male

Posted 02 October 2015 - 11:10 AM

Ngtataka nga ako bakit bayani si Aguinaldo..Talaga namang "HIstory are written by the Winners"



#12 maddromeo

maddromeo

    Libertine

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPip
  • 883 posts
  • Gender:Male
  • Location:UAE
  • Interests:Gurls...Cars & JiuJitsu!!!

Posted 03 October 2015 - 01:12 PM

Huwag nating kalimutan na noong mabago-bago pa lang ang Katipunan, si Luna ang isa sa mga nagsumbong sa mga Kastila :D

PERO...eto ang kaibahan niya kay Aguinaldo: nang malaon, nahimasmasan siya at pinagbayaran niya ang pagkakamali niya at tumulong sa rebolusyon. Inamin niyang mali siya, kaya bumawi siya nang malaki sa mga kapwa Pilipino.

 

Samantala, si Aguinaldo.... ;)

Parehas lang sila traydor! Yan ang binoto ko! Talaga mas tuso lang si Aguinaldo at pati si Bonifacio niyare nya para masiguro sya ang maging Pangulo ng Rebolusyon! Inunahan lang rin ni Aguinaldo si Luna dahil kung hindi ehdi si Luna pinapatay din nya si Aguinaldo!

 

Hindi ba na link rin si Gen. Luna kay Donya Isidra Cojuangco na kasintahan nya noong panahon na iyon, at may balita rin na kaya pinapatay ni Aguinaldo si Luna dahil ninakaw ni Luna yung pera ng rebolusyon na hanggang ngayun ay di na nakita kahit ng mga Amerikano? San kaya napunta ehto? Sabi ng ibang historians yan daw ang tago yaman ng pamilya Cojuangco... Sabi pa nila na si Antonio Cojuangco ay anak ni Luna at Donya Isidra... sa makatuwid si Antonio "Tony Boy" Cojuangco Jr. ay apo ni Gen. Luna at Donya Isidra. Kaya di ko nagtataka na may pelikula at pinababango ang pangalan ni Ge. Luna ngayun! Sino ba mga executive producers ng Pelikula na yan? Lately kasi sunod sunod mga pelikula kay Aguinaldo, Bonifacio tapos ngayun Luna?! Ano agenda ehto? Itama ba o rewrite ang ating history? Hmmm....


Edited by maddromeo, 03 October 2015 - 01:14 PM.


#13 Julianda

Julianda

    Omry feek antia

  • (08) Fanatical Member
  • PipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPip
  • 2,648 posts
  • Gender:Female

Posted 04 October 2015 - 11:15 PM

Parehas lang sila traydor! Yan ang binoto ko! Talaga mas tuso lang si Aguinaldo at pati si Bonifacio niyare nya para masiguro sya ang maging Pangulo ng Rebolusyon! Inunahan lang rin ni Aguinaldo si Luna dahil kung hindi ehdi si Luna pinapatay din nya si Aguinaldo!

 

Hindi ba na link rin si Gen. Luna kay Donya Isidra Cojuangco na kasintahan nya noong panahon na iyon, at may balita rin na kaya pinapatay ni Aguinaldo si Luna dahil ninakaw ni Luna yung pera ng rebolusyon na hanggang ngayun ay di na nakita kahit ng mga Amerikano? San kaya napunta ehto? Sabi ng ibang historians yan daw ang tago yaman ng pamilya Cojuangco... Sabi pa nila na si Antonio Cojuangco ay anak ni Luna at Donya Isidra... sa makatuwid si Antonio "Tony Boy" Cojuangco Jr. ay apo ni Gen. Luna

at Donya Isidra. Kaya di ko nagtataka na may pelikula at pinababango ang pangalan ni Ge. Luna ngayun! Sino ba mga executive producers ng Pelikula na yan? Lately kasi sunod sunod mga pelikula kay Aguinaldo, Bonifacio tapos ngayun Luna?! Ano agenda ehto? Itama ba o rewrite ang ating history? Hmmm....

 

 

 

Sa lahat ng nag komento dito, ikaw ang kakaiba, at napaka interesante. Hmm, kailangan siguro ipakita mo sa amin ang reference para na rin sa kaalaman ng lahat. ;)



#14 cytus

cytus

    Looker

  • (04) Casual
  • PipPipPipPipPip
  • 150 posts
  • Gender:Male

Posted 16 October 2015 - 11:31 AM

Link between Luna and the Cojuancos are not yet verified and still up for debate. Posible sya, pero hindi porket posible ay yun talaga ang nangyari. Pwede rin nga na si Aguinaldo may plano ng lahat ng ito e.

Para sakin kupal talaga si Aguinaldo. During the philippine revolution, while bonifacio was ready to fight to the death to rid us of the spanish rule, Aguinaldo was ready to negotiate terms of surrender with the enemy. Then during the phil-am war, he was also making deals with the americans. During the japanese occupation, he was the one who asked the filipino and american guerillas to surrender to "stop the violence and killings." You may argue that his end goal was to maintain peace, but what is peace under slavery to foreign powers? Ano pinagkaiba natin sa kalabaw na mapayapa nga pero ang buhay ay nakasalalay sa kamay ng kanyang tagapag-alaga? Hindi tayo hayop.

As for Luna, the only fault I see in him is his temper and fighting those who are above him. He's what i'll call a "chaotic righteous", using aggressive means to fulfill his righteous goals.

#15 soulkeeper32

soulkeeper32

    Looker

  • (04) Casual
  • PipPipPipPipPip
  • 130 posts
  • Gender:Male
  • Interests:how life works

Posted 17 October 2015 - 04:06 AM

People please read

 

The Heneral and Ysidra love story

http://www.philstar....idra-love-story


Edited by soulkeeper32, 17 October 2015 - 04:07 AM.


#16 JFK

JFK

    Lover

  • (06) Chronic Poster
  • PipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPipPip
  • 1,432 posts
  • Gender:Male

Posted 03 March 2017 - 12:13 AM

Antonio Luna! I DO NOT CONSIDER Aguinaldo to be a hero. Para sa akin isa sya sa mga naunang trapo sa ating kasaysayan at baka nga pinaka unang trapo pa!





Also tagged with one or more of these keywords: Gen. A. Luna, Gen. E. Aguinaldo, Historical perspective, Academic perspective, Heroes

1 user(s) are reading this topic

0 members, 1 guests, 0 anonymous users