Jump to content

Photo
* * * - - 1 votes

The Discreet Sanctuary Of Bruno Pluto

pessimism sarcasm songs hobbies sports college life bitter senti new age practical

  • Please log in to reply
31 replies to this topic

#1 cumlaude

cumlaude

    Cutie

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPip
  • 278 posts
  • Gender:Male

Posted 23 January 2016 - 02:13 AM

Here starts the story of bruno pluto and how he lives in his discrete sanctuary where every one's voice is heard except his.

He might be the last of his bloodline, with radical views of everything that goes around his not so understood Utopian dreamland.

He used to dream big and wish on everything from dandelions to shooting stars to a black cat crossing his path. Now everything should be only in the realms of hard reality and dreams turned to goals turned to timelines turned to gantt charts. if its not measurable and plausible then straight to the trash it goes...

...

Bruno Pluto a midget trying to stand tall in a world where fame and accomplishment means alot. Then again he always fall short and starts accepting how things are. Cruel, unfair nothing close to Utopia.

#2 cumlaude

cumlaude

    Cutie

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPip
  • 278 posts
  • Gender:Male

Posted 23 January 2016 - 04:08 AM

Bitterness of a middle child - 13

All I can remember was that the last best Birthday I had was when I was 12 years old... di ko alam bakit pero parang after may 12th birthday lahat naging piso sa piggy bank of bitterness ko.

13yrs old... is when I started thinking about how to save money. sadly the rest of my siblings did not think the same way... My dad was out of work and was doing VHS replication as a side line while my mom cooks and sells native candies (yema, bukayo, sampaloc) for a living just to get thru the day/week/month. while I desperately tries to save my lunch/transpo money and not to request for anything extra my siblings seems not to relate to what my mom and dad is trying to do..

so year 13 was about me not having anything new but always hand-me-down stuffs. While the rest of my siblings get new Shirt/shorts/lunchbox/pencilcase... #ingit much lang...

Edited by cumlaude, 23 January 2016 - 04:10 AM.

#3 cumlaude

cumlaude

    Cutie

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPip
  • 278 posts
  • Gender:Male

Posted 23 January 2016 - 06:56 AM

Information Technology - 8

may PC kami na paulit ulit kong nasisira at paulit ulit kong inaayos... I remember mga grade 2 palang ako nung unang naguwi yung tatay ko ng PC... Windows 3.11 ... ang Galing ng ms PAINT... nakaka pag drawing ako gamit yung mouse na de trackball. Mini floppy drives then start comming in from his work every night. this mini floppy diskettes have executable file... GAMES..... dun ko na isa isang sinubukan lahat. hanggang magka virus na yung pc namin. Hindi na sya gumagana... akala ko pagagalitan ako ng tatay ko... pero hindi. namoblema sya pano ayusin. trial and error pano i fix at hindi naman kasi IT guy ang tatay ko. hindi naayos pero hindi parin ako pinagalitan. Come Dec, he got his IT friends. (actually anak ng taga samin na nagbebenta ng fruit cake tuwing pasko) IT student din. nag offer na i fix yung pc

yun virus scan... eh sobrang tagal pa ng scan dati... they ended up formatting the entire pc. dun na kami nagsimula matutu.. yes, kasabay ko natuto ang tatay ko. pero kahit anong turo nya nothing make sense to me, basta alam ko ayos na yung PC so balik game na ako (Bubble bubble, pacman, donkey kong)

then syempre, naulit ulit, nasira ko na naman. this time nasa abroad si papa. walang gagawa. dun na nagsimula yung kagustuhan kong maayos yung mag isa. over snail mail... yes.. liham. nanghingi ako instruction sa tatay ko pano i fix yung pc. di pa uso phonecall kasi mahal ang overseas calls. so in the duration of 1 month. na solve ko na ang problema ko. in the process na tuto ako ng MS DOS at the age of 9. format /s/q c: *.* -> copy setup.exe a: c: -> setup ... etc....

na install ko yung windows 95. Since then ginusto ko ng alamin pano mag troubleshoot ng PC. pinangarap ko ng maging si Bill Gates pag laki ko. pangarap lang lahat. walang natupad. wala pa...

#4 cumlaude

cumlaude

    Cutie

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPip
  • 278 posts
  • Gender:Male

Posted 23 January 2016 - 07:44 AM

FruitCake - 9

naadik ako sa fruitcake nung una ko itong matikman Dec 1996. matamis na medyo nakakahilo in a good way. may pasas nuts at other sweet stuff... dahil to dun sa gumawa ng pc namin yung nanay nya ay nagbake ng fruitcake...

sarap lang...

#5 FleurDeLune

FleurDeLune

    Chienne Počte

  • Moderator
  • 4603 posts
  • Gender:Female
  • Location:Land of Nod

Posted 24 January 2016 - 11:59 AM

Congrats for the new room! :)

#6 cumlaude

cumlaude

    Cutie

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPip
  • 278 posts
  • Gender:Male

Posted 24 January 2016 - 04:19 PM

Congrats for the new room! :)

Thank you po Ma'am FDL.... I know someday I will regret sharing my life experiences here @ MTC pero until then... eto na pinaka exciting na ginawa ko aside from my odd adventures during my yester years... Hoping to meet real people who would accept me as me without the judgement our current society dictates. 

Best

Kobe Laude

  • FleurDeLune likes this

#7 cumlaude

cumlaude

    Cutie

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPip
  • 278 posts
  • Gender:Male

Posted 24 January 2016 - 08:11 PM

Meanwhile here at my home town...

Beer and burger alone...

#8 cumlaude

cumlaude

    Cutie

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPip
  • 278 posts
  • Gender:Male

Posted 24 January 2016 - 08:49 PM

Flame grilled burger + not your local beer...

Attached Files

  • ms.reyes likes this

#9 cumlaude

cumlaude

    Cutie

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPip
  • 278 posts
  • Gender:Male

Posted 25 January 2016 - 08:34 PM

Batang gutom... -16

Naalala ko tuwing papasok sa school, I'd walk about 2km hanggang highway. Then jeep, then lakad ng 1km ulit papunta ng school. Pag napadaan ako sa bakery titignan ko kung may pudding ba. Mabigat sa tyan yun kaya sulit six pesos ko para dalawang piraso. Pag wala nun titipirin ko nlng. Lagi kong bilang pambili ko ng pagkain. Since then pinangarap kong maabot yung state na pag bibili ako mg pagkain hindi ko na iisipin magkano. Basta bibilhin ko lng agad.

Ngayon... Masasabi kong na achieve ko ma yun. Wala na akong care kung magkano. Alam kong kaya kong bilihin. Kahit papano masaya na ako. Pero hindi pa gaano. Mas masarap palang kumain pag may kasalo. So bago kong goal magkaroon ng kasama/kasalo sa pagkain lagi. Kelan ko kaya ma achieve yun?

#10 cumlaude

cumlaude

    Cutie

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPip
  • 278 posts
  • Gender:Male

Posted 26 January 2016 - 03:55 AM

Puyat - 13 -> 20

sabi nila matulog ng maaga at mahaba para tumangkad... kaya ngayon alam ko na bakit cute ako... I stand 5'4" dahil siguro kinapos ako ng tulog nung kabataan ko...

I'm hyper active at kung wala akong heavy task na ginawa nung kabataan ko ay hindi ako nakakatulog. dumating din yung part na naadik ako sa Coffee with milk chocolate as sweetener. Mas lalo akong hindi nakatulog ng maaga. well di ko masasabing puyat ako kasi kinabukasan maaga din akong gumising at walang sign of fatigue or stress.

ngayon... sana ngayon ganon parin ako... I now have 2 jobs, isa sa umaga 9am - 6pm at isa sa gabi 12am - 9am.... biyahe sa bus lang ang tulog ko. Ngayon pagod na pagod ako palagi. ngayon puyat ako palagi... sayang at wala na yung lakas na meron ako nung kabataan ko.. hay buhay.... makapag hot shower na nga ng magising.

#11 sabs2000

sabs2000

    Charmer

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPipPipPip
  • 448 posts
  • Gender:Male
  • Location:Taguig
  • Interests:Everyday Life, Sports, Economics, Politics and Fatherhood. Stoic Optimism.

Posted 26 January 2016 - 04:01 AM

Congrats to your new room. Finally!

Let me share a something from Lolo Celo's not so discreet sanctuary too.

Love contract fail - 7

Naalala ko nung bata ako, uso ang flames, hopes, she loves me not sa bulaklak ng santan at mga teen flicks. Madalas kami magbakasayon sa Fort Bonifacio dahil dun nakatira mga pinsan ko na ka-age bracket ko. Maraming kaibigan ang pinsan ko sa village at dahil mga bata kami noon, halos buong araw kami nasa labas ng bahay. Umuuwi lng para kumain ng tanghalian at pag madilim na, kadalasan kahit madilim na naglalaro pa din kami ng out outan (mahuli taya), agawan base, sardines, patintero at taguan. Madalas boys vs girls ang laro namin noon sa agawan base na paborito kong salihan.

May kaibigan ang pinsan ko na tuwing naglalaro kami hindi sumasali, nanonood lng, nakikpagkwentuhan sa mga na-out sa laro na kapwa nya babae at nakatayo sa tabi ng bike nya. Lagi syang malinis, bagong ligo, may bimpo sa likod at hindi dugyot katulad naming karamihan na naglalaro dahil sa pawis at alikabok ng kalsada. Lahat ng bata roon ay kilala ko na at nakakausap pero itong babaeng to hindi ko kilala at ayokong lapitan dahil baka sungitan ako. 

Isang gabi, naglalaro nanaman kami at nagkataon nadapa ung pinsan ko't nasugatan sa tuhod. Tumabi sya sa grupo ng mga babae at dahil concerned ako skanya, nilapitan ko sya para icheck ung sugat nya at kung kaya b nya maglakad ng ayos pauwi. Sabi nya ok lng daw sya pero umiiyak, kinuha ko nlng ung towel ko sa likod at binalot ko sa tuhod ng pinsan ko. Nauuhaw daw sya at gsto nya ng fanta ung green apple. Sabi ko hindi ko alam kung san meron dahil hindi naman ako taga doon. Bigla nyang tinawag ung babaeng hindi nakikipaglaro at sinabihan samahan ako dahil hindi ko daw alam. Nakilala ko si Darlene. 

Matapos ang ilang araw na pakikipaglaro sa knila at ilang beses na pakikipagusap kay darlene nabuo ung puppy love namin tapos dahil sa tuso ang pinsan kong babae. Isang hapon gumawa ng seremonyang kasal kasalan sa playground. Ayon kinasal kami kunwari na may kasamang love contract. You may kiss the bride daw sabi ng pinsan ko at ng mga kaibigan nya. Ngatog ang tuhod ko dahil hindi ko alam gagawin ko. Si bride patiently waiting lang, dahil ayokong mapahiya sa mga dumalo ng kasal kasalan, dinampi ko ung labi ko sa pisngi ni darlene. Hindi nakuntento ang mga nanonood at dahil katikati din silang makita na sa labi ko daw halikan, ayun pinagbigyan ko. Siguro mga 10-15 minutes akong binubulyawan ng mga kaibigan namin. Pagtapos ng seremonya, holding hands kami ni darlene pauwi ng bahay habang naglalakad. 

Paguwi ko ng bahay, sobrang excited ako sabihin sa tito ko na meron na akong love contract, tinawagan ko din mga kalaro kong lalake sa telepono para ipagmalaki ung love contract ko. Natapos ang gabi na inaasar ako ng uncle ko, tinawagan ko si darlene sa landline para mag good night. Walang laro nung gabing un dahil linggo at asa bahay mga parents namin.

Binasa ko ulit ung love contract bago ako matulog. May nakalagay dun na disclaimer na super secret pla ang love contract at bawal ipagsabi, pumirma ang mga ninong at ninang kuno, pumirma din kami ni darlene. Kinabahan ako bigla, sabi ko sa sarili ko patay! Hindi na ako makatulog, gusto kong tawagan si darlene para sabihin na hindi ko sinasadyang sabihin sa mga kaibigan ko dahil sobrang saya ko. Sinubukan ko siyang tawagan pero nanay nya nakasagot at sabi tulog na sya. Nakatulog nlng akong kinakabahan.

Kinabukasan, pagtapos ko magalmusal, may kumakatok sa pinto.. pagbukas ko si darlene.. sabay sigaw ng "TRAYDOR! akala ko mapagkakatiwalaan ka!" sabay tapon ng love contract sakin at letter na hiwalay na daw kami. Nalaman niya na sinabi ko sa mga kaibigan ko at dahil ung tito ko na nasa labas dahil paalis na papuntang opisina, inasar din pala siya. Nakasalubong siya ng uncle ko na humahagikhik sa tawa na feeling ko nakadagdag sa inis ni darlene. Tameme ako para akong nastun ni vengeful spirit at nasigawan ng scream of pain ni akasha. Sinubukan ko habulin siya pero wala, nakaalis na, nagbike pauwi at hindi ko mahabol. Hiniritan na lang ako ng uncle ko at sinabihan akong "sabihin mo sa kanya, I am not a traitor". Yumuko na lang ako sabay akyat sa kwarto at nagmukmok magdamag.

Kinabukasan, sinabi ko na lang sa mama ko na sunduin na ako kasi ayoko na doon, sinabi ko na gusto ko ng umuwi. Yun pala nakwento na ng uncle ko ang nangyari. 

Hindi ko na nakita si darlene sa sunod na bakasyon ko sa bahay ng pinsan ko dahil umalis na daw sila at lumipat ng bahay. Hindi ko na siya hinanap kasi nung huling pagkikita namin ang tindi ng galit niya sakin. 

Matapos noon, sinabi ko sa sarili ko, hindi na ako magsisinungaling sa babae at ilalagay ko ang sarili ko sa tama. Nagkaroon naman ako ng magandang streak sa pagsunod sa sinabi ko sa sarili ko pero meron pa rin instances na magsisinungaling ako. So as a back up plan, binago ko ang kasabihan ko na kung gagawa man ako ng kalokohan siguradong dapat hindi malalaman. 

#12 cumlaude

cumlaude

    Cutie

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPip
  • 278 posts
  • Gender:Male

Posted 26 January 2016 - 06:38 AM

ayokong i like kasi parang sinabi ko na parehas tayo,,, wahahhahah salamat sa pag bisita sa room ko... aga mo pala lumandi Ninong Sabs.. 7 ka palang kumi-kissing scene kana... hahaha gusto ko sanang gayahin yung style ng kwento kaso about sa pagiging bitter ko itong thread ko... hanapan ko ng twist para maganda. Gawa kana din ng sayo para yung mga lalalabs mo mabasa na ang kwento ni Don Juan de Marco

#13 sabs2000

sabs2000

    Charmer

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPipPipPip
  • 448 posts
  • Gender:Male
  • Location:Taguig
  • Interests:Everyday Life, Sports, Economics, Politics and Fatherhood. Stoic Optimism.

Posted 26 January 2016 - 06:44 AM

ayokong i like kasi parang sinabi ko na parehas tayo,,, wahahhahah salamat sa pag bisita sa room ko... aga mo pala lumandi Ninong Sabs.. 7 ka palang kumi-kissing scene kana... hahaha gusto ko sanang gayahin yung style ng kwento kaso about sa pagiging bitter ko itong thread ko... hanapan ko ng twist para maganda. Gawa kana din ng sayo para yung mga lalalabs mo mabasa na ang kwento ni Don Juan de Marco

Pagnakahanap ako ng pwede kong hugutin para sa bitternes sige un ippost ko dito.. like magka-abs, maging mayaman etc. pero hindi kasi ako bitter.. hahahaha! walang anu man brother of the same feather. 

#14 cumlaude

cumlaude

    Cutie

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPip
  • 278 posts
  • Gender:Male

Posted 26 January 2016 - 06:48 PM

Chi chi wo motomete - 20

I was a very emotional kid. I cried alot. I cried when i was first left at school and i notice my mom was not outaide the classroom. I cried when i got separated with my brother in the mall for the first time. I cried when i lost my very first saving (five peso coin na tinago ko sa ilalim ng unan). I cried whenever i wake up at wala Ng tatay ko dahil pumasok ma sya sa work.

Pero sa lahat lahat i cried with the most reason is because i missed my dad.

https://www.google.c...x15Q0dMwyBFZHsA

Im an I.T. ptofessional right now mainly because he influenced me maging mahilig sa computer. Ok lang sa kanya masira ko yung pc basta alam ko din ayusin. He has his 100% trust na kaya ko gawin yung ginagawa nya. So much trust na nung 20 ako. Nasa singapore ako for vacation at lahat sila singapore based na except me dahil i was working already and was staying alone sa hometown namin, tinanong ko sya.
"Pa, bakit nyo ako hinayaang mag work sa pinas? Bakit hindi nyo pinilit na matapos ko course ko? Bakit dapat ako ang magtrabaho agad nung nawalan ka ng work. 1yr nlng graduate na sana ako ng engineering sa UST? Anak nyo din naman ako. Bakit parang lahat ng hirap na pwede ma experience pina experience nyo sakin?

I was crying heavily while asking him this. He has a short reply." Dre, alam mo, kitang kita ko sarili ko sayo. Masmagaling pa, kaya alam kong kaya mo. Yung mga kapatid mo alam ko hindi nila kaya yung ganoong pressure. Alam kong ikaw malalagpasan mo yun at mas gagaling kapa. Tiwala ako sayo na hindi ka mawawala sa landas. Parehas tayo. Alam ko maiintindihan mo ako at lagi ka namang nakakaintindi sa sitwasyon natin"

Nagalit ako, naiyak, nagtampo...
Pero pinarealize sakin ng tatay ko na im strong. Gusto ko syang sisihin sa lahat ng hirap ma ma experience ko mag isa na sasabihin ko sama hindi ako handa pero i realize... Buhay pa ako. Im here now. Im better than most of my batchmate. Masakit pero tama si papa. Kinaya ko nga. Kaso why go through all that hardship. Siguro yun ang best way para ma sanay ako sa reality na mahirap mabuhay magisa. After nun di ko maiawasan maiyak tulad ngayon habang nagttype nito. Naiiyak ako.

I may not be the best. But im better than most people out there. Masarap magbuhat ng sariling bangko. Kaya tingin ko palagi sa sarili ko "I'm a Better Bitter Person"

#15 cumlaude

cumlaude

    Cutie

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPip
  • 278 posts
  • Gender:Male

Posted 27 January 2016 - 09:32 AM

Dugo't Pawis - Present

sa tuwing makikita ko mga college students na may kotse, super bitter ako. Tapos maangas pa. yung tipong magpapagandahan pa ng model ng kotse. tapos sa tuwing mag uusap ang topic yung next target na kotse daw nya CRZ or Genesis.. sarap pag hoholdapin tapos kidnappin. Bitter lang kasi ako wala akong kotse... well wala pa... pag nakabili na ako ng kotse ko (short term goal ko ngayon) sasabihin ko sa sarili ko out load.. ganda ng kotse ko, pinaghirapan ko bawat sulok nya aking akin. galing sa sinuweldo ko..

Those kids who are lucky enough to have been given a car when they were in highschool /college wont realize the true value of pagiipon until the day that their domestic support is cut and they are force to live by their own means. sigurado ako, mahihirapan sila pag tanda nila. Well yun ay kung wala pang nakaabang na company position na mamanahin din nila sa magulang nila... hayyy buhay.. malas at swerte ako dahil yung hirap ng experience ko, kung maulit man, normal nalang sakin at life will go on. sa ibang di sanay sa hirap malamang maging deal breaker ng mundo nila gawa sa silver platter.

Amen.

#16 cumlaude

cumlaude

    Cutie

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPip
  • 278 posts
  • Gender:Male

Posted 27 January 2016 - 08:30 PM

At the moment... Ayala

Walan pang tulog. Papasok sa night job

Naisipan mag detour sa spa dahil super traffic

Attached Files

#17 cumlaude

cumlaude

    Cutie

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPip
  • 278 posts
  • Gender:Male

Posted 29 January 2016 - 09:08 AM

Bible Study - 15

hindi ko alam kung ano dapat ang religion. Isa ba itong requirement ng ating society. pag nag fillup ang magulang mo ng birth certificate mo required agad na may religion ka. Pag tanda mo naman at hindi ka masyadong na indoctrinate ng parents thru tradition malaki chance na titiwalag ka din or magiging miyembro ka ng non practicing members of your religious group.

Lumaki ako sa isang Roman Catholic na pamilya, went to a Catholic school from pre-elementary to college. pero my family was not really that of a fanatic sa mga duties and responsibilities ng isang sarado katoliko na pamilya. Middle class family kami at tatay ko lang ang nag wowork. so todo kayod tatay ko. We used to go to church every Sunday tapos daretso Jolibee (thus na jolibee Jingle na i love you Sabado pati narin Linggo) pero nung naging tatlo na kami magkakapatid at lahat na kami nagaaral sa elementary medyo nag iba na,

Wala ng jolibee day, wala naring Icecream day pay day. Nung naging lima na kami mas nabawasan, Nandun narin yung na gets kong wala na akong handa pag Bday ko.... (malas at hindi payday ang bday ko kaya paubos na pera pag dating sakin. swerte lahat ng kapatid ko dahil lahat sila either katapusan or akinse bday. ako OLATS...

So bihira magsimba. Gastos kasi sa pamasahe tapos mag dodonate kapa.. Dun na pumasok yung mga born again Christian friends natin.. They offer bible study for KIDS at may libreng pakain pa. Dito ako nahilig sa pagbabasa ng Bible. Got my very first bible nung 14 ako. NIV. dahil it as a christian bible para syang mini bible encyclopedia.

to be continued...

#18 cumlaude

cumlaude

    Cutie

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPip
  • 278 posts
  • Gender:Male

Posted 30 January 2016 - 07:23 AM

Bible Study - 15 p2

Mini Bible encyclopedia... Lagi kong baon yun sa school. medyo pahapyaw hapyaw na pagbabasa lang every day. Nung Summer 2002 i joined their Bible camp. Well got to meet new friends. 2 days yun sa Rizal. One of my bible study friends (a chubby girl) na i feel may crush sakin.... (cute ko noh) ay nag sponsor sakin para maka sama ako sa Bible Camp.

Madaming nangyari like bible quizzes every night. Getting to know each other where san ko natutunan talaga makipag socialize. Nandun narin yung public speaking dahil lagi akong na on the spot mag salita sa lahat tapos hihingan ka ng testimonial... (part where i get to say good things about people around me and metion names ng admin.. medyo politika nga at hindi ko kilala yung pinapa mention nila basta sinama ko nalang sa testimonial ko)

Nung natapos yun Something followed naturally... lahat ng tanong sa religion subjects namin alam ko na. walang wala mga classmate ko sakin. sunod sunod bible quizbee winning streak ko. Meron pala akong napala. Pero hindi dahil mas marami akong alam about sa bible meaning mas religious ako... I find it funny that mas naging iritable ako sa mga taong nag sisimba

Mga nagsisimba ng hindi naman nila naiintindihan yung sinasabi ng pari. Yung for Compliance lang.. Para kang estudyante na pumasok sa school at pag uwi mo wala kang natutunan. I hate eucharist goers (without holy) na nandun lang dahil tradition at practice nila. Tradition should be backed up with Understanding. Kaya nawawala yung true meaning dahil yung mga sumunod na generation walang ka muang muang kung ano ba talaga significance ng religious beliefs nila...

to be continued...

#19 sabs2000

sabs2000

    Charmer

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPipPipPip
  • 448 posts
  • Gender:Male
  • Location:Taguig
  • Interests:Everyday Life, Sports, Economics, Politics and Fatherhood. Stoic Optimism.

Posted 30 January 2016 - 08:53 AM

Since puro ka-bitteran sa buhay ang room mo dapat pinalitan mo title ng "the ampalaya garden of bruno plato"

#20 cumlaude

cumlaude

    Cutie

  • (05) Regular
  • PipPipPipPipPipPip
  • 278 posts
  • Gender:Male

Posted 30 January 2016 - 09:00 AM

Since puro ka-bitteran sa buhay ang room mo dapat pinalitan mo title ng "the ampalaya garden of bruno plato"

im hoping may mag rereply at mag dedefend sa side ng mga kina b-bitter-an ko... kung bakit ako bitter may dahilan, tell me kung how should have I handled those situation at hindi ako naging bitter. gusto ko malaman mali ko. so inviting everyone not to bash but rather make me realize that i could have seen it half full instead of half empty at kung bakit ganun sila... Amen.

Also tagged with one or more of these keywords: pessimism, sarcasm, songs, hobbies, sports, college life, bitter, senti, new age, practical

0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users