Kung financial protection ng pamilya mo ang habol mo, bata ka pa (20s to early 30s), at may extra kang pambayad ng insurance, go for Sun Life. AIA okay din naman.
Pero kung investment habol mo, isa sa safest investment platforms ay PAG-IBIG MP2. Okay din ang Retail Treasury Bonds pero may tax, unlike MP2 na tax-free. Pero may 5 year lock in period sila kaya di ka dapat basta maglagay sa kanila kung hindi ayos ang safety net mo aka savings.
Kung cash flow investments ang gusto mo, pag-aralan mo ang dividend investing. Pero ihanda mo bulsa mo para dito kasi malaki ang puhunan sa stock market na gagamitin para malaki rin ang dividend payout mo.